Chapter 20 Hindi na ako nakapagpaalam kay Iverson sa pag-alis ko. Lunch break na namin, hindi ko siya mahagilap sa hospital kaya tetext ko nalang mamaya pagkarating ko sa sizzling plate sa may session. Ang gusto ko talaga sa Baguio ay ang lalapit ng mga kainan sa mga Universities. Palagi naman akong dumadaan sa assumption road dahil deretso lang naman. Nang nasa session ako ay umakyat lang ako ng kaunti dahil medyo sa taas pa ang sizzling plate. Mabuti nalang at dala-dala ko ang hoodie ko, malamig na lalo sa Baguio dahil ber months. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Jonas, nasa sulok malapit sa bintana. Nahihiya akong umupo dahil kanina pa siya nandito. "Sorry," pagpapaumahin ko. Ngumiti siya sa akin tiyaka umiling. "Wala iyon," he said then gave the menu to me. I ordered gril

