Chapter 9 "Hoy babaita ka, ano itong nalaman ko sa iba huh?" Salubong sa akin ni Gail sa classroom, mamaya pa yung duty namin. Sabay din kaming naglakad ni Jonas kanina since dadaanan naman niya ang UB papunta sa SLU hospital. Umupo muna ako tiyaka inayos bag ko sa upuan. Pagkatapos ay sinara ko ang black na hoodie na suot ko. Malamig ngayon, lalo na't umaga. "Ano?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang nabalitaan niya. Kahit nga siguro mag-Manila siya next year, masasagap niya pa rin ang balita sa Baguio. "May nakakita sa'yo sa labas ng amper, may kasama kang gwapong Louisian!" Akala ko naman kung ano ang sinasabi niya "Siya ba ang nag-uwi sayo? Tiyaka sa SOM iyon ah? Iyon ba ang crush mo?" Dagdag na tanong niya pa. "Jonas Lorenzo Tan. Kaibigan

