Chapter 10 Kinabukasan ay maagang nagising si Lily at nagmamadali na siya, baka ma late na sa trabaho. Nakaamoy siya ng mabangong fried rice at tuyo na may itlog! Papunta na sana siya sa kusina ng magpang-abot sila ni Christopher sa pintuan. "Good morning!" Nakangiting bati ni Christopher sa kanya. Natigilan naman si Lily. Bakit ang gwapo ni Christopher sa kanyang paningin kahit mata lang nito ang nakikita? Napakurap-kurap siya at iwinaksi ang mga pinag-iisip. "Good morning din. Ikaw ba ang nagluluto?" Tanong ni Lily. "Yes, surprise sana kaso nagising kana. Bakit pala ang aga mo nagising?" Ganting tanong ni Christopher. Nagtaka naman si Lily sa tanong nito. "Bakit? I'm going to work at late na ako Christopher. Sayang naman at hindi ko matitikman ang niluto mo." Sagot niya at mab

