Knight in a wheelchair

1521 Words
Chapter 8 Kinabukasan ay nagpaalam si Lily kay Christopher na magtratrabaho siya. Wala naman problema kay Christopher at ipinag book pa siya ng taxi. Habang sakay siya ng taxi ay naisipan niyang tawagan ang kanyang Mama. Ngunit ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot. Bakit kaya? Nasaan si Mama? Busy siguro! Kausap ni Lily sa kanyang sarili. Pero hindi parin siya mapakali at nag-aalala para sa ina. Hindi siya sanay na hindi ito kausap o ka text. Isang araw pa nga lang na hindi niya ito nakakausap ay na miss niya na kaagad ang ina. Muli niya itong tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin ang kanyang tawag. "Mama!" Masayang bati ni Lily. "Your mother is busy working!" Walang ganang sagot ni Carina. Naudlot ang kanyang beauty rest dahil sa tawag ni Lily. Ayaw niya sana e turn on ang cellphone ni Lucy pero nakiusap ito kay Andres. Wala siyang nagawa kahit magwala pa siya dahil cellphone lang daw ito at huwag maging isip bata! Kahit kailan talaga ay pumapabor si Andres kay Lucy. Kahit anong pahirap niya sa babaeng sampid ay hindi niya magawang pahirapan ito ng husto. "Bakit nasayo po ang cellphone ni Mama?" Nagtatakang tanong ni Lily. "Nagtanong ka pa! Syempre paunang bayad ito sa utang ninyong mag-ina. Ang unang kwentahan ng utang ay ng umalis ka sa pamamahay na ito." Paliwanag ni Carina. Bakit ba siya nagpapaliwanag?! Inis na tanong ni Carina sa kanyang sarili. "Pwede ko po ba siyang makausap?" Muling tanong ni Lily. "Malamang Hindi! Sinabi ko na sayo na busy siya. Istorbo ka sa beauty rest ko!" Galit na sigaw ni Carina at pinatay na ang cellphone ni Lucy. "Hello?" Nanlumo si Lily ng wala ng sumagot sa kabilang linya. Sa day off pa niya madadalaw ang kanyang Mama. Malungkot siya ngayon pero kailangan niyang maging masaya upang makapag focus sa kanyang trabaho. *********************** Christophe Five Star Hotels and Restaurants Pero pag minamalas ka nga naman ay sunod-sunod na! Kakagaling lang ni Lily sa room 208 at bitbit na niya sa kanyang trolley ang mga linens at bedsheets na pinalitan niya ay hindi inaasahan na makasalubong niya si Colleen at ang mga kaibigan nito. Gusto niyang umiwas pero hindi niya magawa dahil may dala siyang trolley. Makakasalubong niya talaga si Colleen! Mabilis naman siyang nakita ni Colleen at napangisi ito. Gustong-gusto talaga niya na bwesitin si Lily. "Look who's here guys!" Sigaw ni Colleen at nagsitinginan ang mga sosyalera niyang kaibigan kay Lily. "Who is she?" Maarteng tanong ng isa. "She's my sissy." Nakangiting sagot ni Colleen. "Sissy! Kumusta na ang buhay may asawa?" Nang-iinis na tanong ni Colleen. "OMG! May asawa na siya? Buti at may pumatol sa kanya Colleen!" Maarteng tanong ng isa. Napakataba naman! "Yes, Bakit iniwan mo si Christopher Lily? Okay lang ba siya mag-isa?" Kunwari ay nag-aalalang tanong ni Colleen. Hindi naman magawang sumagot ni Lily dahil sa mga atribidang mga kaibigan ni Colleen. "Ano yang asawa niya bata? Hindi ba pwedeng iwanan?" Nakataas kilay ng payatot na pangit pa. "Yes, Hindi kasi makalakad at baldado mga besh. Naka wheelchair!" Bulong ni Colleen pero rinig din naman ni Lily. At hindi siya natutuwa sa mga pinagsasabi nito tungkol kay Christopher! Baldado nga ito pero wala silang karapatan na laitin ang tao! "Enough Colleen!" Medyo napalakas ang boses ni Lily. "You are blocking my way, I need to work." Seryosong sabi ni Lily. "Work? Timing! We are going in the Bar and I want you to serve us!" Masayang sigaw ni Colleen. "Sounds good!" Sabay naman nagsabi ang mga sosyalerang ewan na mga kaibigan ni Colleen. Napabuntunghininga ng malalim si Lily. Kailangan niyang habaan ang kanyang pasensya upang huwag maapektuhan ang kanyang working performance. "I'm sorry Colleen but I'm a room attendant. Hindi ako naka assign sa bar. If you like ay tatawagan ko ang bar upang ma assist kayo." Malumanay na sabi ni Lily. "Huh? Tinatanggihan mo ba ako Sissy? Ouch naman ha! Sino ba ang manager mo at ng makausap!" Nakangising sabi ni Colleen at naghanap ang kanyang mga mata. Nilapitan niya ang babaeng nasa front desk. "Ikaw! Call your manager!" Utos nito. Nagulat naman ang receptionist at hindi kaagad nakasagot. "Did you hear me? Bakit nakatunganga ka lang diyan?" Galit na tanong ni Colleen. "Oh I'm sorry Miss. Which manager department?" Magalang na tanong nito. "Yong manager niya. Room attendant daw siya!" Kung makaturo ito kay Lily ay parang may utang siya. Hindi nalang kumibo si Lily. Kahit kailan ay trouble maker si Colleen. Kung papatulan mo ito ay mas lalo kang pahihirapan. Maya-maya lang ay dumating ang manager ni Colleen. At kilala pala nito ang Mommy ni Colleen! "Miss Colleen! Welcome to our hotel!" Masayang bati nito kay Colleen. Napailing si Lily. Nakikita na naman niya ang kanyang sarili na binubully ni Colleen! "Ikaw pala ang manager dito bakla! Pwede ko bang hiramin si Lily? OJT pa lang naman siya rito di ba?" Nakanguso na tanong ni Colleen. Napatingin ang manager kay Lily at agad itong pumayag sa gusto ni Colleen. "Sure! You can have her. Anytime and anywhere!" Masayang sagot ng manager. "Oh, Did you hear that Sissy? Let's go!" Masayang sigaw ni Lily. "Go!" Pairap na itinulak ng manager si Lily at wala siyang nagawa kundi e assist ang mga ito. "Here's my bag. Carry it! Nangangalay na ang mga kamay ko." Maarteng sabi ng matabang atribida."Handle that with care dahil mas mahal pa yan sa buhay mo! That's Prada!" Paalala pa nito. Walang nagawa si Lily kundi bitbitin ang bag ni taba. Naging taga bitbit si Lily ng bag ng mga ito. Pumasok ang mga baliw na kaibigan ni Colleen sa bar na sumasayaw. At napalingon ang mga manyakis na naroroon. "Wetwew! Hello Girls!" Sigaw ng isang blonde na buhok pero pango naman. "Hi!" Bati ng mga malanding kaibigan ni Colleen. "Join us here!" Sigaw ni blonde pango. "Let's go girls!" Excited na sigaw ni Colleen. Dahil puro trabaho si David ay hindi ito nakasama sa kanya sa araw na ito. Mas mabuti na rin ito para kay Colleen upang makahanap sila boylet. At heto na nga ang mga manok at lumalapit sa mga palay! Si Lily ay hindi kumportable sa sobrang ingay sa bar. Gusto niyang iwanan ang mga ito pero hindi rin niya magawa. Napakadaming utos ng mga ito at halos ayaw siyang pagpahingahin. Tulad ngayon na wala siyang iba na ginawa kundi bigyan ng mga drinks ang mga bruhang pangit! Nahihilo na siya sa iba't-ibang amoy ng mga tao. Nagpapasalamat si Lily at nagsayaw ang lahat. Makakapagpahinga na rin siya! Naupo siya at isinandig ang katawan sa upuan. Tagal din niyang nakatayo at nangangalay na siya. Pero hindi pa umiinit ang pwet niya sa upuan ay narinig niya ang boses ni Colleen na tumatawag sa kanya. "Come in here Lily!" Sigaw nito. Ayaw tumayo ni Lily dahil ang ganda na Ng posisyon niya habang nakaupo. Pero wala siyang nagawa ng hilahin siya ni taba at payatot papunta sa dance floor. "Let's dance Sissy! Join us!" Sigaw ni Colleen habang nagsasayaw. "Hindi pwede Colleen, I'm working." Tanggi ni Lily. "Ang arte naman ng Sissy mo. Parang maganda eh hindi naman!" Singit ni Blonde pango. "Come on Sissy! Let's dance!" At hinawakan ni Colleen ang kanyang mga kamay habang nagsasayaw. "Take it off!" Sigaw ng mga pangit na boys pero feeling gwapo naman. "Take it off daw Sissy! Sige na!" Hinila ni Colleen ang kwelyo ng kanyang uniform. "Stop it Colleen!" Galit na si Lily sa ginagawa ni Colleen sa kanya. Hindi niya gusto na pati trabaho niya ay sirain din nito. "Whoa! Galit ka ba ng lagay na yan Sissy?" Nakangising tanong ni Colleen. "Stop it, I'm going back to work." Seryosong sagot ni Lily. Hindi siya makagalaw dahil hawak parin siya ni Colleen. "You are working right now Sissy! That's why I'm telling you to take it off!" At akmang bubuksan na ni Colleen ang butones ng uniform ni Lily. Ngunit biglang namatay ang sounds at tumahimik ang buong paligid. Nagliwanag ang buong bar at napalingon silang lahat sa lalaking naka wheelchair na papunta kay Lily. Si Lily naman ay nagulat ng makita ang asawang si Christopher! "Leave her alone," malamig ang boses na sabi ni Christopher at hinablot ang mga kamay ni Colleen papalayo kay Lily. "s**t! Ang inutil na asawa ng kapatid ko! What are you doing in here?" Galit na tanong ni Colleen. Ngunit hindi siya pinansin ni Christopher at naka focus lamang ang paningin nito kay Lily. "Are you okay?" Tanong ni Christopher. Gustong maiyak ni Lily ng mga sandaling ito dahil na touch siya sa ginawa ng asawa. "Okay lang ako," mahinang sagot ni Lily. "Good," maikling sabi ni Christopher. "Let's get out of here," at inaya niya si Lily na lumabas ng bar. Tumango naman si Lily at itinulak ang wheelchair ni Christopher. Pero nakaharang si Colleen sa kanilang daraanan! "And where do you think your going? Lalo kana pakialamerong knight in shining baldado!" Galit na sigaw ni Colleen. Napapikit si Lily upang kontrolin ang kanyang galit. Sumusobra na si Colleen at hindi niya alam kung hanggang kailan siya magtitimpi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD