Chapter 15 Masayang nagising ng maaga si Lily at ihinanda ang simple niyang gown. Nag-iisa lang ang gown na mamahalin na mayron siya. At ito ay noong debut pa niya! Milagro ng araw na ito at binigyan siya ng kanyang Daddy ng party. Ito ang debut na hindi niya malilimutan. Na miss niya ang best friend niyang si Melinda. Lumipad ito papuntang Germany dahil sa ginawang pang bu-bully nila Colleen sa kanya. Doon na muna ito mag-aaral. At nawalan siya ng nag-iisang kaibigan ng dahil kay Colleen! Hindi pa nito alam na may asawa na siya! Naka deactivate ang mga social media accounts ni Melinda at hindi niya ito ma kontak. Ipinagdarasal niya na sana ay okay lang ito at nasa mabuting kalagayan. "Are you ready?" Tanong ni Christopher. Napukaw ang kanyang lumilipad na diwa ng tawagin nit

