JAMILLA Hawak ni Drake ang kaniyang cellphone nang lumabas ako mula sa banyo at naabutan ko siyang nakaupo dito sa sofa. Seryoso ang kaniyang ekspresyon nang lapitan ko siya at naglalambing na yumakap ang aking mga braso sa kaniyang katawan. “Drake, ang sakit ng katawan ko,” bulong ko sa kaniya. Inilapag niya sa kaniyang tabi ang hawak na cellphone at binuhat ako papunta sa kaniyang kandungan. Napangiti ako at malambing na hinalikan ko siya sa pisngi. “Baby, take off your clothes,” sabi niya sa akin. “Bakit?” agad kong tanong sa kaniya. “Anong binabalak mo, Drake?” Natawa siya, kaya nag-angat ako ng aking ulo at tiningnan ko siya. “Hindi ba masakit ang katawan mo?” tanong ng asawa ko sa akin, kaya tumango ako. “I'll massage you para ma-relax ka,” narinig kong sagot ni Drake, pero

