Chapter 21

1754 Words

“DALHAN mo ulit si Matteo ng pagkain mamayang lunch.” “Po?” Napatigil sa pagtayo si Ligaya nang marinig ang utos na iyon ni Lola Estrella. Pakiramdam niya ay pinipiga ang sikmura niya nang marinig iyon. Kaaalis lang ni Matteo na mukhang badtrip na badtrip sa kanya tapos papupuntahin na naman siya ng lola nito sa opisina? Isa pa, parang nagkaroon na siya ng anxiety sa lugar na iyon. Baka mamaya ay pagkaisahan na naman siya. Hindi niya alam kung paano haharapin ulit ang pinsan at mga kaibigan nito. “O, bakit?” Salubong ang mga kilay na tanong ni Lola nang makita ang pag-aalangan sa mukha ni Liwayway. “Kahapon hindi mo naibigay sa kanya ang pagkain. Kaya pumunta ka ulit doon. In fact, dapat nga ay araw-araw mong ginagawa ang ganoong bagay. Ganoon ang dati kong ginagawa sa asawa ko kahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD