NAPAKA-ENGRANDE ng kasalang Matteo Ricaforte at Liwayway Altamero. Kahit isang buwan lamang iyong pinaghandaan, nagawa nilang mag-imbita ng hindi bababa sa 500 na mga bisita. Dumalo ang mga politikong kaalyado ng ama at lolo ni Liwayway at maging ang mga taong may matataas na antas sa lipunan. Marami ring inimbitahang mga negosyante si Luis na daddy ni Matteo. Sa malaking simbahang katoliko sa Santa Flores sila ikinasal kung saan deboto sina Analisa at ang ninang ni Liwayway na si Mrs. Leticia Torres. Sa lupain naman ng mga Altamero ginanap ang reception kung saan nagtayo sila ng malaking white tent kung saan magkakasya ang kalahating libo na mga tao. Nagulat ang lahat sa biglaang pagpapakasal ng dalagang anak ng alkalde, ngunit nang malaman ng mga ito kung kanino siya ikakasal, n

