MAGKASABAY sina Matteo at Bettina pumunta ng Santa Flores nang gabing iyon. Pagkatapos ng work niya sa opisina, kumuha lang sandali si Matteo ng mga gamit sa bahay. Hindi na siya nagpaalam pa kay Liwayway bagama’t nakikita niya sa mukha nito ang pagtataka nang makita siya nitong nagligpit ng iilang gamit. Tutal ay isang araw lang naman siya roon. Si Lola Estrella na lamang ang sinabihan niya. Dinaanan niya si Bettina sa entrance ng condo nito at masaya silang nag-usap buong biyahe at magkahawak-kamay pa. Tila nawala sa isip nila ang lahat ng mga nangyari ng mga nakaraang linggo at buwan. Pakiramdam nila ay sila pa ring dalawa at wala silang kahit na anong problema sa kanilang relasyon. “We should go to Europe kapag natapos na ang construction sa Santa Flores. You deserve some rest! N

