HINDI na ikinuwento ni Liwayway kay Garry ang nakita niyang tagpo sa condo ni Bettina. Unang-una, sobrang nahihiya siya sa sarili dahil hindi kaagad siya umalis kahit alam niyang maling panoorin ang mga ito. Pangalawa, ayaw niyang magbanggit sa nobyo ng kahit na anong topic tungkol sa pakikipagt*lik dahil baka bigla rin itong humiling sa kanya ng kung anu-ano.
Matiwasay ang naging relasyon nila ng kanyang nobyo. Halos hindi sila nag-aaway nito dahil pareho silang kalmado na tao.
Everything was great…
Until they graduated college and they had to be in a long distance relationship. Doon dumadalas ang tampuhan at away nila. Tila palagi nang hindi mapakali ang binata.
Laking Manila sina Garry at Matteo. Andoon naka-base ang family business ng mga ito. Sina Garry ay nasa construction industry ang pamilya at ang pamilya naman ni Matteo ay nasa amusement park business.
Sina Liwayway at Bettina naman ay kinailangang bumalik sa Santa Flores. Balak nilang magbakasyon ng tatlong buwan bago simulan ang paghahanap ng trabaho.
Gusto raw ni Bettina na maging isang international flight attendant at libutin ang buong mundo. Si Liwayway naman ay gustong pagtrabahuin ng ama sa tourism office ng kanilang siyudad dahil nagsisimula nang makilala ang Santa Flores sa napakagandang white sand beaches at ang bundok sa likuran nito na tumatanaw sa buong bayan.
Nang dumating ang ika-biente tres na kaarawan ni Garry, nakiusap ito kay Liwayway na bisitahin niya sa Manila, ngunit hindi niya alam kung ano ang irarason sa kanyang mga magulang dahil tiyak na hindi siya papayagan ng mga ito.
Ngayong nakabalik na siya ng Santa Flores, hindi na ulit siya basta-basta na lamang makakagala nang matagal. May curfew siya na sinusunod.
Kaya nakapag-desisyon ang kanyang nobyo na sa Santa Flores na lamang ito magdidiwang. May nirentahan itong isang exclusive beach resort na may infinity pool at dalawang kuwarto.
Si Bettina ang nagprisintang magpaalam sa mga magulang ni Liwayway. Nagsinungaling ito na lalabas lang sila for shopping and dinner kaya pinayagan siya.
May sariling sasakyan ang kaibigan niya kaya sinundo siya nito. Dinaanan muna nila ang in-order ni Liwayway na malaking cake sa bayan at bumili na rin siya ng regalo para sa kasintahan.
Nang dumating sila sa resort, sila pa lamang ang nandoon.
“Gosh! Ihing-ihi na ako!” Natatarantang bumaba ng kotse si Bettina at nauna nang tumakbo sa loob.
Naiwan naman si Liwayway para buhatin ang cake at ang paper bag na may regalo niya para kay Garry.
Mayamaya ay may dumating na isa pang kotse at lumabas doon si Matteo na nakasuot ng aviator sunglasses.
Tumango lang ito sa kanya at dumiretso na rin sa loob. Hindi man lang siya tinulungan.
Pero simula nang magkakilala sila, hindi pa sila nakapag-usap talaga ng mahigit sa isang sentence. Kahit mag double-date man sila ay hindi sila madalas magpansinan ni Matteo. They were just civil with each other pero hindi nila maituturing na kaibigan ang isa’t isa.
Nagkataon lang talaga na bestfriend niya ang nobya nito, at bestfriend naman nito ang boyfriend niya.
Mas lalo pang lumala ang pagkailang nila sa isa’t isa simula noong tagpo sa condo unit ni Bettina.
Nang makapasok si Liwayway sa loob ng accomodation sa exclusive resort, magkayakap na sina Bettina at Matteo at nagtutukaan pa. Mabilis niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring hindi napapansin ang mga ito.
Ngunit nakita siya ng kaibigan at bigla itong kumalas at excited na lumapit sa kanya. “Lia! May good news ako!”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ano ‘yon?” For one moment, medyo kinabahan siya at baka sabihin nitong buntis ito.
Nang sulyapan niya ang lalaki, he looked nonchalant.
Bettina was squealing like a child. “Matteo’s family is planning to open a business here. We’re going to have an amusement park right here in Santa Flores. Can you imagine that?! Hindi ba pangarap lang natin ‘yan noong mga bata pa tayo?” Halos tumalon-talon na ito sa tuwa. “And it also means mapapadalas na rin siya rito sa atin!”
Parang narinig niya nga last week na sinabi ng ama niya na may nagpa-planong magtayo ng amusement park sa siyudad nila. Hindi niya naisip na ang pamilya pala mismo ni Matteo ang nagpa-planong gumawa niyon.
Ngunit sa tono ng pagkakasabi ng daddy niyang si Mayor Theodore, mukhang hindi ito sang-ayon sa planong iyon. Nagdadalawang-isip itong pirmahan ang permit dahil hindi raw handa ang Santa Flores sa ganoon kalaking attraction.
It would be nice for tourism, pero ang kapalit, masisira ang kalikasan nila.
Ngunit ayaw niyang patayin ang kaligayahan ngayon ng kaibigan niya lalo na’t birthday party itong pinunta nila rito kaya hindi na lamang niya ipinaalam ang narinig na komento ng kanyang ama. Ngumiti na lamang siya sa kaibigan.
“That’s great,” tipid niyang sabi.
Nagtititili pa rin ito sa tuwa at bumalik sa yakap ni Matteo. Mayamaya, lumabas na ang mga ito para maglakad-lakad sa dalampasigan.
Sakto naman at dumating na rin si Garry na may dalang groceries at mga alak.
“Lia! I missed you so much.” Agad siya nitong sinalubong ng yakap at halik sa labi.
He tried to deepen the kiss pero lumayo na si Liwayway. Hanggang smack lang ang kaya niya sa ngayon.
“Happy birthday.” Nakangiti niyang bati sa nobyo.
“Mahigit dalawang buwan na tayong hindi nagkita. Hindi mo man lang ba ako na-miss?” Tila nagtatampo ang boses nito.
“Na-miss kita, siyempre.”
Ngumiti ito at sinubukan ulit siyang halikan ngunit tumalikod na siya para kunin ang cake at ang regalo.
“I have a gift for you!”
Sinubukan nitong ngumiti ngunit hindi nito maitago sa mukha ang pagkadismaya dahil sa nahahalatang pag-iwas niya.
“Iba ang regalo na gusto ko,” may paglalambing na sabi ng binata na inilapag ang regalo sa center table na hindi man lang binubuksan.
Nagmaang-maangan si Liwayway saka muling tumaikod upang kumuha ng baso sa kusina. “Ano bang gusto mo? Matagal kong pinagpilian ‘yang gift ko sa ‘yo. Promise, magugustuhan mo ‘yan.”
Nagsalin siya ng tubig sa baso galing sa water dispenser. Ngunit bahagya siyang nagulat nang bigla siya nitong yakapin mula sa likuran at isinubsob nito ang mukha sa kanyang batok.
“Ikaw ang gusto ko.”
Pinilit niyang tumawa. “Sayo naman talaga ako, ah.”
“No, I mean I want you.” Hinalik-halikan siya nito sa batok papunta sa balikat. “I want all of you, Lia. I need you.”
Napasinghap siya at saka kumawala sa pagkakayakap nito. “Garry, baka biglang pumasok sila Bettina at makita tayo.”
“Don’t mind them. Madalas din naman nilang ginagawa ito. Tayo na lang ang hindi.”
“H-Hindi ako komportable.”
“Then let’s go inside the room. Dalawa naman ang kuwarto rito. We can have our privacy.”
Yumuko siya at kinagat ang ibabang labi. “Garry, ‘d-diba napag-usapan na natin ‘to? Hindi pa ako handa…”
Marahas itong bumuga ng hangin. Halatang galit.
“Kailan ka ba talaga magiging handa? Mag fo-four years na tayo, Liwayway!” Bahagyang tumaas ang boses nito.
“Hindi pa tayo kasal!”
“Then marry me, d*mn it!”
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi kaagad siya nakaimik. Kapagkuwan ay humugot siya ng malalim na hininga at naiiyak na nag-iwas ng tingin. “Hindi gano’n kadali ‘yon, Garry. May mga plano pa sa akin ang mga magulang ko.”
“You’re almost twenty three, for pete’s sake! Hanggang ngayon ba mga magulang mo pa rin ang iniisip mo? Paano naman ako, Lia? Hanggang kailan mo ako paghihintayin? It’s my birthday at hindi mo man lang ako mapagbibigyan sa kahilingan ko?”
Tuluyan nang tumulo ang luha ni Liwayway. Ayaw niyang saktan ang nobyo niya pero hindi niya rin kayang gawin ang hinihiling nito.
“F*ck!” Tumalikod ang lalaki at kinuyom ang dalawang palad.
“I-I’m sorry, Garry,” garalgal ang boses na bulong niya.
“No. I’m sorry, Lia,” balik nito. Halatang sinusubukan na lamang nitong pakalmahin ang boses. “Pero hindi ko na alam kung saan pa pupunta ang relasyon nating ito o kung may patutunguhan nga bang talaga ang lahat ng ito. Ni hindi mo ako kayang ipakilala man lang sa mga magulang mo.” Saglit itong tumigil para humugot ng malalim na hininga. ”I think it’s best if we just break up.”