3rd person POV Humigpit ang mga bantay ni Nathalia at hindi na rin siya nakakaalis ng bahay katulad noon. Sina Allison at Hira ay hindi na rin niya nakakausap pa. Ang pagkaduwag at pagkatakot ang nagtulak kay Nathalia upang hindi tumistigo sa korte noong huling hukom. Tinakot siya ng mga kaibigan ng ama niya na papaslangin nila ang ama niya kapag tumistigo siya sa korte. Naging sunod-sunuran na parang aso si Nathalia sa mga kaibigan ng ama. Wala ng Rio na magtatanggol sa kaniya kaya siya nakaramdam ng takot. Nasa kulungan na ang lalaking palaging nandiyan para protektahan siya at labis iyon na pinagsisihan ni Nathalia. Sa tuwing pumapasok siya sa paaralan ay palaging may nakasunod sa kaniya na mga bodyguard hanggang sa loob UP university. Maagang natapos ang klasi ni Nathalia sa huli

