3rd person POV “Anak ka ng p*ta! Sinisira ninyo ang mga plano ko at pinaghirapan.” Malakas na sinampal ni Derek ang tauhan niyang si Damon dahil sa pumalpak na naman ito upang patayin si Rio. Ang isang bodyguard lang na kinaiinisan nang sobra ni Derek at ang mga kaibigan nito. Nagagalit ang palad niyang tumama iyon ulit kay Damon. “Ang rami ninyong pinapadala ko tapos hindi ninyo man lang nalumpo ang binatang iyon!” sigaw niya sa mga tauhan niya. Nasa basement sila ng kaniyang malaking mansyon at walang isa man ang nakakalam roon kahit ang kaniyang sariling pamilya. “P-patawad po b-boss..” nanghihina nang pagmamakaawa ni Damon. Duguan ito mula ilong hanggang labi. Muli na naman siyang sinampal nang malakas ni Derek na halos nasubsob na siya sa sahig. Nakatali ang dalawang kamay nito sa

