3rd Person POV Umaagos ang mga luha ni Nathalia habang dahan-dahan na lumuluhod sa harapan ng lapeda. Hawak niya sa kamay ang dalawa niyang anak. Pinunasan niya ang mga pisngi at hinaplos ang pangalan ng lapedang nasa harapan niya. "P-patawarin mo ako...pa-patawad at ngayon lang ako nagpakita..." bulong niya. Ang mga bulaklak sa gilid ng lapeda ay tuyo na rin. Maraming tuyong dahon sa paligid at mukhang hindi na ito nililinis. Muling bumulong ang luha sa mga mata ni Nathalia. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili at umiyak siya nang umiyak. 'Tsaka pa siya natauhan nang yakapin siya ng kaniyang kambal. "Mommy!" naiiyak rin na sabi ng dalawa niyang anak. Pinunasan niya ang mga luha at magkasabay na niyakap ang kambal. Kasalukuyan... Pagkagaling nina Rio sa mansyon nila ay

