3rd person POV Hindi maalis ang mga ngiti ni Nathalia simula nang makita ang kaniyang ama. Kahit galit siya rito ay mas pumaibabaw ang kaniyang pangungulila. Binigyan sila ni Rio ng privacy upang makipag-usap nang masinsinan. Inaya ni Don August ang kaniyang anak sa gilid ng dagat. Umupo sila sa may tabi. “Anak.” Panimula ni Don August. Hinaplos niya ang buhok ni Nathalia at hinalikan ito sa tuktok ng ulo. “Masaya akong nakita kita..” muling gumaragal ang boses ni Don August. Naalala naman niya ang mga kasalanan na kaniyang ginawa at heto nagsisisi na siya ng sobra-sobra. Tiningala siya ni Nathalia at hinaplos sa braso. Matamis niyang nginitian ang ama. “Kumusta ang buhay mo rito daddy?” Pinasigla ni Nathalia ang boses upang hindi na naman umiyak ang kaniyang ama. Mahinang tum

