Chapter 41

2417 Words

3rd person POV Nasa hapag sina Rio at ang buo niyang pamilya para sa agahan nang hilingin niya sa mga ito na magre-resign na siya sa kompaniya at balak na niyang bumalik sa dati niyang trabaho bilang NBI agent ng Pilipinas. Ipinanganak talaga siyang bayani ng bansa kaya sa isip niya ay mamatay siyang bayani pa rin ng bansa. Nabitawan ni Laila ang hawak niyang kutsara at naglikha iyon ng ingay sa buong sulok ng kusina. Lahat sila ay napatingin kay Rio. Ang lola Elena niya ay tila hindi rin makapaniwala mula sa narinig. "A-anong sabi mo...babalik ka ulit sa dati mong trabaho?" dahan-dahan na tanong ng mama Laila niya. Yumuko muna si Rio at bumuntonghininga. Alam niyang ayaw ng mama niya itong nais niyang gawin. Inangat niya ang mukha at muling tumingin sa mama niya. "Opo, 'Ma."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD