Elias Benedict 2

2068 Words
"I'm sorry for what happened to you, Miss. I'm going to talk to him now and bring your luggage back," sabi lang niya pagkatapos ay lumabas na siya ng CCTV room. Nagpakilala naman siya sa akin bilang si Spade Hernandez. Buti na lang talaga hindi sila nawalan ng CCTV sa elevator at sa totoo lang ay puwede kong kasuhan ang lalaki na ‘yon sa pangha-harass sa akin kasi kitang-kita naman sa CCTV ang ginawa niya. Assholes. Hindi ko lang ma-imagine na ‘yong unang halik ko ay mapupunta lang sa manyak na ‘yon. “Malasin sana siya ng sampung taon,” padabog pa na sabi ko at sumunod na rin kay Spade Hernandez. Siya ang naabutan ko rito sa CCTV room nang gi-nuide ako ng isa sa mga staffs. Pinakita niya sa akin kung ano nga ba talaga ang nangyari, kung bakit nawala roon ang maleta ko. Hindi ako nagkamali na ang lalaki nga na iyon ang kumuha. Ang lalaking tinutukoy ko ay walang iba kundi ang lalaking ‘yon, ang lalaking manyak. Si Elias. Elias ang pangalan niya. ‘Yon ang pangalan na tinawag sa kaniya ng babae. Nakita ko sa footage na sa sunod na floor lumabas ng elevator iyong babaeng kasama ng Elias na iyon— pero si Elias ay hindi kasamang lumabas. I saw him look at my luggage and then hinawakan niya pa ‘yon. Doon pa lang ay nainis na ako ng sobra. How dare he! Ang sunod na nangyari ay umakyat pa ang elevator at lumabas si Elias kasama ang aking gamit. Ang kapal ng mukha niyang kunin ang hindi naman niya pagma-may-ari. Sa next footage sa labas ng elevator ay dinala ni Elias sa isa sa mga unit sa floor na ‘yon. Ang sabi ni Spade sa akin ay doon daw ang unit ni Elias. Malasin sana talaga siya ng sampung taon times ten! Paglabas ko ng CCTV room ay hindi ko na nakita si Spade Hernandez. Ang sabi niya sa akin ay kilala niya raw ang lalaking iyon. Alam niya rin ang unit nito sapagkat magkaibigan daw sila. Sinasama nga ako pero sabi ko sa kaniya— siya na lang ang pumunta at kunin ang aking maleta. Ang sabi niya rin kasi ay dahil nga sa kilala niya ay alam niya na hindi naman daw magnanakaw si Elias. May pera rin daw ang lalaking ‘yon kaya imposibleng hindi na nito ibabalik ang maleta ko. Wala akong pakialam kung may pera siya, may pera rin ako, palag? Basta ibalik niya ang maleta ko. Hindi talaga puwedeng mawala ang ‘yon ko roon dahil napakaraming importanteng dokumento ang nandoon na iniingatan ko talaga. Ang mga gamit ko na nga na ‘yon ang inuna kong ayusin at sinigurado na madadala ko rito, dahil hindi ko naman siya puwedeng iwan sa China. Katulad ng aking sinabi ay wala na talagang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako ng China. Dahil sa totoo lang— kung ako ang tatanungin. Ayaw ko nang bumalik doon dahil araw-araw ko na lang naaalala ang lahat. Hinintay ko lamang si Spade na bumalik sa labas ng CCTV room. At nang bumalik siya ay agad na napataas ang kaliwang kilay ko dahil wala siyang dalang maleta ko.  “Where is my luggage?!” I hissed. “Kung hindi iyon maibabalik sa akin ngayon, magde-demanda ako. Ide-demanda ko rin ang pang-ha-harass niya sa akin at pagnanakaw kaya kung puwede lang pakibalik ‘yon,” sabi ko pa. Kahit gusto kong magsampa ng kaso— naisip ko na huwag na lang dahil wala akong oras sa mga proseso. Bukas na ako magsisimulang magtrabaho sa Consejo’s. Na-e-excite nga ako, eh. Kaso naudlot ang pagsasaya ko dahil sa pangyayari na ‘to. “Calm down, Miss,” sabi niya. “Elias will bring it here,” dugtong niya. Napanganga ako. “Huh? Kaya nga ako hindi sumama sa iyo dahil ayaw ko siyang makita pero ikaw pa ang nagpapunta sa kaniya?” inis na sabi ko. Hindi ko talaga maintindihan. Anong problema ng mga ito? “Again, Miss, calm down. He insisted since he was going to apologize to you personally,” Spade said. Napasimangot lang ako. I crossed my arms. So, it means makikita ko pa ang lalaking ‘yon ngayon? Pero gusto niya naman daw kasing mag-sorry. Kapal ng mukha, akala niya ba tatanggapin ko? “Fine, basta, ibalik ang maleta ko,” seryoso pang sabi ko. Wala pa man din isang minuto ay natanawan ko ang lalaking ‘yon na naglalakad papalapit sa amin at dala-dala ang aking maleta. “Hi…” He smiled at me. Hindi ako sumagot sa kaniya. Nang tingnan ko nag mukha niya ay napansin ko ang pamumula ng magkabilang pisngi niya. Malamang ay dahil iyon sa mga sampal ko sa kaniya. Gusto kong tanungin kung masarap ba sa pakiramdam ang mga sampal ko pero hindi ko na lang ginawa. Nanliliit lang din ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kaniya. Pinigilan ko lang din ang sarili ko na huwag ulit siyang sampalin. Inilapit niya sa akin ang maleta ko. Parang wala naman kakaiba— maliban na lang sa fact na hinawakan niya ito. I will clean this immediately kapag nakapunta na ako ng unit ko. “Wala ka bang ginalaw dito?” naniniguro kong tanong sa kaniya. Tiningnan niya lamang ako nang diretso at saka tumango. “Yes. Hindi ako magnanakaw,” sabi niya lang. Kung ikukumpara ko ang mga tingin niya ngayon at iyong kanina sa elevator ay mas maayos iyong ngayon. Normal lang. Siguro dahil sa nandito si Spade Hernandez. “Wala akong sinasabi sa iyo na magnanakaw ka, nagtatanong lang ako,” sabi ko sa kaniya. I turned to my luggage, hinawakan ko ito at sinuri ng mabuti, binuksan ko pa ng kaunti upang silipin ang nasa loob at nasilip ko roon ang isang envelope— mukhang wala naman nga siyang ginalaw. “Is that so?” sabi niya na lang. I glared at him. “Akala ko ba magso-sorry ka?” tanong ko na lang. Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa. He also wiggled his eyebrows. My lips twitched. “Magso-sorry siya,” sabi naman ni Spade. Hindi ko siya sinagot. Naka-focus lang ang aking mata sa lalaking ‘to. “I'm sorry for what I have done earlier. I will assure you that it will never happen again," sabi niya. Bigla ko naman napansin ang seryoso sa boses niya kaya parang naniniwala ako. “Alright. Magpasalamat ka rin sa akin kasi hindi ako magsasampa ng kaso. I have to go,” sabi ko na lang. Hila-hila ko ang maleta ko at iniwanan ko na sila roon ngunit natigilan lang ako nang magsalita si Elias— ‘yong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. “Wait a minute… gusto mo ba akong samahan mamaya, Miss Jeya?” What the— Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ikinalma ko lang ang sarili ko dahil baka nakita niya lang sa maleta ko dahil naalala ko na naglagay ako ng pangalan ko sa maleta ko. Nilingon ko na lang siya. “No,” I said. Ngumiti pa ako sa kaniya— siyempre fake iyon pagkatapos ay umirap na ako at saka ko sila tinalikuran muli. Ginamit ko ang hagdan para makarating ako sa floor ko. Medyo sumakit pa ang paa ko dahil do’n— okay lang, hindi na talaga ako sasakay sa elevator. Naiinis lang ako tuwing maaalala ko ang ginawang ‘yon ng Elias na ‘yon! Anyway, gusto ko na rin kalimutan ang pangalan niyang banal pero iyong pangalan lang— hindi iyong nagdadadala. Nagpahinga kaagad ako nang makarating ako sa unit ko. Pero bago ako makapagpahinga ng maayos ay naalala ko na dapat ko nga pa lang i-check ang maleta ko. Agad ko namang ginawa iyon. Inayos ko na rin ang mahahalagang gamit ko, nag-ayos na rin ako ng lahat ng gamit dito sa condo ko. Wala naman akong nakitang kakaiba sa maleta, I mean, walang nawala. Inilagay ko na rin iyon sa malapit sa pinto ng bathroom. Pagkatapos kong ayusin ang dapat na ayusin ay humiga na akong muli sa magiging kama ko sa matagal na panahon. Nagpasya na akong matulog. Nang magising ako ay malalim na pala ang gabi pero nagdesisyon pa rin ako na lumabas dahil nakaramdam ako ng gutom. Gusto kong kumain. Nag-suot lamang ako ng coat ko dahil paniguradong malamig na sa labas. Mabilis naman akong nakarating sa labas ng Zaminican. Pero hindi na ako pamilyar sa mga nandito. Hindi ko nan ga maalala kung saang village ba kami nakatira dati. Siguro, maalala ko iyon kapag naglibot-libot ako. Siyempre, magiging pamilyar sa akin ang lugar. Pero ang problema ko ngayon ay kung saan ako kakain. May Chinese restaurant man lang ba na malapit dito? Parang kailangan ko pa magkaroon ng adjustment. Nasanay ako sa Chinese foods. Buti na lang talaga sa pagsasalita ng Tagalog ay wala akong problema dahil madalas ko naman gamitin. Minsan nga, magsasalita ako in Tagalog kapag naiinis ako kaya kung may kasama ako ay malilito sila at mapapatanong kung ano ba pinagsasasabi ko. Back to the food. Sana man lang talaga ay may malapit na Chinese restaurant dito. Sakto niyon ay may masasalubong ako na babae at napansin ko na may dala siyang paper bag at Chinese characters ang nakasulat doon, binasa ko ‘yon and meaning no’n ay Jan Tian Restaurant. Kinuha ko ang atensyon ng babae. “Excuse me, Miss… saan po ‘yang Jin Tian Restaurant?” tanong ko. Ngumiti naman siya kaagad sa akin. Nawala pa ang kaniyang mga mata sa pagngiti niyang iyon— I mean, napansin ko na singkit din pala siya kagaya ko. She has a monolid eyes. Korean or Japanese? Base sa kaniyang mukha ay pakiramdam ko Japanese ang lahi niya. Her face was longer and broader. “Ay, hello din,” bati niya. “Diyan lang po ‘yan sa kabilang kalsada. Katabi po ng candy shop,” dugtong niya. Ibig sabihin ay malapit lang dito ‘yan. Buti naman. Tumango naman ako sa kaniya. “Okay po, Thank you,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti lang talaga siya rito. “Bago ka lang ba rito?” tanong niya. I nodded. Bago ako rito sa Zaminican pero hindi sa Tastotel. Naalala ko na sa Alejandro Medical Hospital pa ako pinanganak. Dito ‘yon sa Tastotel City. “Yes,” sagot ko na lang. Ngumiti na rin ako sa kaniya— iyong klase ng ngiti ko na halos hindi na makita ang mga mata ko. I actually have a phoenix eye— hindi naman siya ganoon kaliit pero puwede pa rin akong tawaging singkit. Hmp! Okay fine, mapaghahalataan talaga akong Chinese. Alam ko na rare ang ganitong mata and natutuwa ako kasi hindi lang naman ang mata ko ang rare. My whole being ko. “Ah, okay. Ako nga pala si Elissy, call me Eli for short,” sabi niya nang may ngiti pa rin sa labi. Inilahad niya pa sa akin ang kaniyang kamay. “Hello. I am Jeya,” sabi ko sa kaniya. Kilala ako sa pangalan na Jeya noong panahon na nandirito pa kami ng nanay ko sa Tastotel. Pero nang pumunta kami sa China ay Li Mei na ang pangalan ko— hindi naman siya translation, wala namang translation of name na Jeya to Li Mei, depende na lang kung iyong characters lang ng Je-ya. Iyong Li Mei ay ipinangalan sa akin ng tatay ko. Ulit. Li Mei din ang pangalan ko sa resume nang mag-apply ako sa Consejo pero dahil nandito na ulit ako gusto kong tawagin ang sarili ko na Jeya. Jeya Huang. “Ah, teka, parang pareho tayong walang mata,” pabiro pang sabi niya at natawa. Natawa na lang din ako, totoo naman ang sinabi niya. “Oo, half-chinese ako,” sabi ko na lang sa kaniya kahit na hindi naman siya nagtatanong. “Ay gano’n? Half-Japanese naman ako. It’s nice meeting you,” sabi niya sa akin. So, tama ang hula ko na Japanese nga siya. Tumango lang ako sa kaniya. Japanese siya pero halatang gusto niya ang Chinese foods. There’s nothing wrong with that naman. “You too. Una na ako. Thank you ulit,” pasasalamat ko sa kaniya. “See you around…” She smiled at me. Ngumiti na lang din ako sa kaniya. Malamang ay dito rin siya sa Zaminican nag-istay. “See you around.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD