And if love be madness, may I never find sanity again. . Umahon na si Drew at lumapit sa akin. Binigay ko lang ang towel sa kanya ng hindi siya tinitignan, dahil napako ang mga mata ko sa magazine na binabasa. Kita ko lang sa gilid ng mata ko ang pagpunas niya sa mukha niya. . "Are you hungry?" Umiling na ako. "Hindi pa." . Nag-angat ako ng tingin sa kanya at seryoso lang din siyang nakatitig sa akin. Napako ang mga mata ko sa kalahating hubad na matipong katawan niya. Pero iba ang nasa isip ko. Ang katawan ni Sebastian ang nakikita ko sa kanya. Ang baliw lang din Arabella! He flicks some water at me from his wet hair. Medyo mahaba na kasi ang buhok niya. . "Ano ba! Magpagupit ka na nga!" tumayo na ako at pununasan lang din ang mukha ko. . Bahagya naman siyang natawa sa inasal

