Best Man . . Pagkatapos kong mag ayos sa sarili ay minabuti ko ng tumawag kay Kuya Miguel. Dalawang linggo rin na wala akong balita sa kanila. I send a few messages to Papa and to Sebastian's Dad. Mahalaga kasi silang dalawa para sa akin. . "Arabella! What the hell is wrong with you?" si kuya sa kabilang linya. "I know, Kuya. I'm so sorry. Wala lang talaga akong ibang maisip sa mga sandaling iyon." "Hindi ka ba naawa sa kanya. Arabella? Lalaki rin naman ako. Nasasaktan din kami." . I rolled my eyes while listening to him. I never thought that this brother of mine is actually a jerk when it comes to his heart! . Nakakatawa lang pakingan ang ganito sa kanya. Seryoso kasi si kuya, sobra. Snob type siya sa mga babae noon. Naalala ko pa nga noong high school pa ako, sa akin halos

