Love may have the longest arms, but it can still fall short of an embrace. . . Baby Shower . . Humalik agad ako sa ama niya at pumwesto kami sa harden ng bahay nila. Maaliwalas nga naman dito at mas magaan ang pakiramdam ko sa bahay nila kaysa sa bahay ko. . "I've heard it from Sebastian, hija," sabay inom niya sa tsa-a. "Opo," tipid na ngiti ko sa kanya. . Napatingala ako sa nag-iisang malaking puno ng Acacia rito sa bakuran nila. Ang bahaging ito ang gusto ko sa harden ng bahay ng mga Delavega. Maliban kasi sa mga bulaklak at halaman ay parang paraisa ang bahaging ito. . "Is everything here stressing you? Is Savy giving you a hard time, hija?" sa lambing na tugon niya. "Ho? H-Hindi naman po..." sabay hinga ko ng malalim. "He's working triple this time, Arabella. A

