Nalula siya sa subrang ganda ng penthouse lalo na nung nasa malaking terrace siya at pinagmamasdan ang napakagandang citylights nang gabing iyon. May pinapunta nga si Theon na ilang tao para magdala ng groceries at kagamitan niya para sa katawan, na akala niya ay good for 3 days lang dahil hindi naman na masyadong malala ang kaniyang sugat at 'di naman siya magtatagal sa pag-stay rito-pero nang makita niya ang dala ng mga 'to parang buong taon na yata siyang titira ro'n sa penthouse. Sanay na siyang mag-isa kaya hindi na rin siya naging malungkot sa malaking bahay na iyon. Pinagod niya ang sarili sa panonood sa buong lugar na kahit kailan ay hindi niya nagawa. Ang lamig ng hangin at bahagya niyang niyakap ang sarili. Ang sarap pala mamuhay nang ganito, nang matiwasay, nang wala siyang tin

