C L A I R E And sorry I'll hurt you soon... Iyon ang biglang pumasok sa aking utak. Kung papaano ko iyon narinig ng malinaw. Kung paano ko iyon itinakwil na mga salita sa kadahilanang hindi ko matanggap na nanggaling iyon sa boses ni Ethan. Ang aking pagkaka-akalang guni-guni ay nangyayari na mismo ngayon. "Ako'y ginagamit mo lamang?" Aking diretsong sabi. Namutla agad si Ethan at ilang saglit pa nakapagsalita. "N-NO! Damn no Claire! Don't listen to them! Damn it." Iba ang sinasabi ng kaniyang mata. Iba ang aking nararamdaman sa kaniyag ikinikilos. Kung totoong hindi nga iyon totoo ay sumasagot siya ng walang alinlangan at nakikita ko 'yon sa kaniyang mga mata. Ngunit wala, hindi mapakali ang kaniyang mga mata habang tumititig sa akin. Hindi sa akin nakatuon ang kaniyang atensyon. Ku

