C L A I R E Villa Rama? Isa siyang Villa Rama'ng tulad ko? Kung ganon siya ay aking kamag-anak dito sa Maynila. Kami ngayon ay tulala sa isa't isa habang iniisip na isang hindi kapani-paniwalang pangyayari ang nangyayari ngayon. Hindi ko ito inaasahan ngunit ako'y masaya sa kadahilanang hindi lang ako nag-iisa dito sa mundong ito. Siya'y tumikhim at napaayos ng upo. "Anong group of companies ka?" Kaniyang katanungan. "A-Anong group of... ano?" Aking sagot na tanong. "You're a Villa Rama right? Every Villa Rama owns group of companies." Kaniyang tinaas ang kaniyang kilay. Napaawang ang aking labi sa kaniyang sinasabing hindi ko mawari kung ano. Anong Group of Companies ba ang kaniyang sinasabi sa akin? Wala kaming ganoon kung tatanungin niya dahil hindi ko alam anong ibig sabihin noon.

