C L A I R E Nanginginig ang aking tuhod sa aking pagbalik sa upuan namin. Nabigla ko pa si Ms. Jimenez at agad akong dinaluhan. Ako ngayon ang nabibigla, bakit siya lumalapit sa isang katulad ko? Ako ba ay sino upang lapitan ng isang Ms. Jimenez? "Claire... are you alright?" Pag-aalala nito. Agad akong tumango at ngumiti. Ang isang katulad ko ay walang karapatang ipag-alala ang isang matanyag na Lorraine Jimenez-Durano. Pinilit kong ngumiti at maging maayos upang hindi na siya mag-alala sa akin. Hinubad ko ang heels na suot at nag-ayos sa pagkakaupo. Namataan kong pumasok na si Heinz ay dumiretso sa kaniyang pamilya. Ganoon din si Ethan kapapasok lamang at lumilinga. Nang mahanap niya ang aking mata au dumiretso siya dito sa aking kinauupuan. Hindi ko nakita ang kaniyang mukha kanina s

