C L A I R E Ako'y napaatras sa kaniyang sinabi. Hindi magkandamayaw ang aking puso sa kaniyang sinasabi. Oo nga, ako at siya na lamang ang natitira. Kung sa kaniyang pamamahay ay nagagawa niya ang lahat ng kaniyang kagustuhan na kami lamang dalawa ang naroroon, dito pa kaya sa kaniyang totoong teritoryo at kami na lamang din ang magkakasama. Hindi ako 'mag-eexpect' na magliwaliw lamang ako sa buong araw, magtampisaw sa tubig, kumain ng marami o kaya'y linisin ang buong mansion. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang nasa utak niya. May panunuya ang kaniyang ngisi habang ako'y nanginginig lamang sa aking kinatatayuan. Nais kong tumakbo, umalis, magpakalayo sa demonyong lalaking ito. Kahit kelan, kahit na aking nagugustuhan ang kaniyang ginagawa sa akin ay gagawin ko ang lahat upa

