C L A I R E Nakabalik ako sa piniling uupuan ni Ethan. Nandoon na silang dalawa at masayang nag-uusap. Ang daming tanong sa aking isipan. Ayaw kong pansinin ngunit ang ingay ng aking utak. "Remember our first date. You are so effort there. Kinikilig parin ako pag naaalala ko." Narinig kong kwento niya. "That was still Grade 9." Sagot ni Ethan na tumawa. "Yeah..." Tumatawa din ito tsaka parang may naalala. "Remember Grade 5? or 6? Halos tumalon ka ng building para mapansin ko?" Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan pang balikan ang mga iyon? Noong nasa ganyang taon pa ako sa elementarya ay may mga nagpapapansin na rin sa aking mga lalaki ngunit hindi ko pa nakitang pumunta sa gusali para tumalon upang aking mapansin. Tumatawa si Ethan na para bang alam na alam niya iyon. Hindi dapat ako

