C L A I R E Ako ay dinala na ni Ina sa aking silid. Pinagpahinga ko ang aking pag-iyak sapagkat ayaw kong nag-aalala si Ina. Hindi ito makakatulog ng maayos kapag nalaman niyang ako ay nasa hindi maayos na kalagayan. Ayaw na ayaw niyang nasasaktan ang kaniyang mga anak. Kung kaya't sinasarili ko ito sapagkat marami din silang pinoproblema ni Ama. "Sigurado ka bang maayos na ang iyong pakiramdam?" tanong ni ina. Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Huwag po kayong mag-alala Ina. Ako ay nasa maayos na. Maraming salamat at magandang gabi sa iyo." Pagkaalis ni ina ay agad kong kinuha ang aking cellphone, sapagkat nararamdaman kong kanina pa ito tumutunog sa loob ng bag ko. Naka-silent ito at nag-va-vibrate kapag may nagpadala ng mensahe o kaya'y tumatawag. Tama nga ako, mayroon ngang tumataw

