C L A I R E "Walang panahon si Claire para kausapin ka, Montenegro..." sabi ni Heinz. "I really--really want to punch you right now," humigpit ang hawak ni Heinz sa aking kamay. "Wag mong tinatago sa akin si Claire. I have to talk to her. Stay out of the way," matabang na kasagutan ni Ethan. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Kung ano ang aking dapat maramdaman. Ngayon ko lamang ulit nasilayan si Ethan. Ang kaniyang itsura ay nagbago. Para bang pagod na pagod. Hindi ito ang aking inaasahan, hindi ba't laro lamang para sa kaniya ang lahat? Hindi ba't tapos na ang kaniyang panloloko sa akin? Kung gayon, ano pa ang kaniyang ginagawa dito sa Pilipinas? Hindi ba't aalis siya pagkatapos niya akong lokohin at saktan? "I'll protect, Athena Claire Villa Rama, no ma

