DAMION Ilang araw kong pinag-isipan ang bagay na ito. Ang tuluyan siyang ilayo sa kanyang pamilya. Sa kabila ng dinanas kong sakit sa kamay ng mga taong walang awang nagpahirap sa akin kahit wala naman akong inaamin na kasalanan. Hindi ko maatim na makitang nakikipag-isang dibdib siya sa ibang lalaki. Kaya nang maghilom na ang mga sugat ko ay gumawa ako ng paraan upang makita siyang muli. At hindi nga ako nabigo, dahil ako pa rin ang pinili niyang makasama. Alam kong hindi ito pabor sa kanya dahil lumaki siya sa marangyang pamilya. At ako naman ay anak lamang ng magsasaka sa probinsya. Ngunit naniniwala kaming hindi mahalaga ang estado sa buhay upang magmahalan. At paninindigan ko ang aking naging desisyon. “Kaya mo pa mahal ko?” Tanong ko sa kanya nang bahagya kaming tumigil dahil

