Adrianna Nakausap namin ni Brion ang doctor at ipinaliwanag na normal lang ang reaksyon ng pagsusuka at walang gana sa pagkain ni mama dahil nag-a-adjust pa ang katawan nito dahil nagsisimula pa lang mag-produce ng new blood cells ang katawan. Tama nga si mama over-acting lang ang mag-ama pero normal lang din naman 'yon na mag-alala sila kung gano'n ba naman ang nakikita nilang kalagayan niya. Tuluyan naman ako'ng nakahinga ng maluwag ng mismong doctor na ang nagsabi na sa tingin niya ay maganda naman daw ang response or results ng procedure at tuloy tuloy na ang paggaling ni mama, yun nga lang ay kailangan pa nito'ng manatili sa hospital dahil kailangan pa rin nilang i-monitor ito ng maigi. Dahil kailangan ako ni mama ay nagpaalam na ko kay Brion na hindi na ko papasok sa tanggapan ni

