Adrianna Tinanong ko kay Brion kung ano ba ang maitutulong ko pero ang sabi niya ay wala na dahil naayos na din lahat ng assistant niya'ng si Emmanuel ang lahat ng kailangan sa pagbisita niya sa Little Angels Orphanage Children's Home. Parang nakunsensiya naman ako na lagi ko siya'ng tinatawag na demonyo, satanas and other bad names pero may puso din naman pala at natulong din, akala ko eh puro pagpapapogi sa masa lang ang ginagawa nito. Pero come to think du'n pa lang sa part na ang aga niya umaalis ng bahay para pumasok ay masasabi ko na talagang busy siya at talaga ginagampanan niya ng maigi ang tungkulin niya bilang Mayor ng bayan na ito. Parang lalo tuloy ako kinilig na malaman na lalaki ang assistant niya it means totoo ang tsismis ni Clarissa na wala daw siya'ng nabalitaan na na

