HERA'S POV Ibinaba nito ako kahit nakapiring parin ang aking mga mata. Narinig ko na lamang ang papalayong sasakyan kaya agad kong tinanggal ang aking blindfold. Nagtaka ako dahil nasa tapat na ako ng aking bahay. Paano nito nalaman kung saan ako nakatira? Kahit sa kompanya ay walang nakakaalam kung saan ako nakatira. Tanging ang asawa kong si Kulas lamang ang nakakaalam ng bahay ko. Speaking of asawa,ngayon ko lang naalala na kanina ko pa pala hindi nakikita ito magmula nang pumasok kami sa aming trabaho. Hinanap ko ang aking telepono ngunit hindi ko ito makita. Mukhang nahulog ko iyon sa lugar kung saan ako dinala ng mga kumidnap sa akin. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ang mga tuhod ko dahil sa nangyari sa akin. Mabuti na lamang at iniligtas ako ng lalaking nakaitim. Pa

