STEFFEN'S POV Papasok na kami ni Hera sa kompanya nang mapansin kong parang may mga goons na nakapark at nakatambay sa labas. Mga kalalakihang nakasuot ng jacket pero hindi naman color coding ang suot. Mapapansin mo talaga sa tindig nila at porma. Base sa itsura nila ay parang may minamanmanan sila. Ipinagkibit balikat ko nalang ang nakita ko. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko naman sila kilala. Ang asawa ko lang naman ang kilala ko dito sa Pinas at ang namayapa kong ina. Wala naman na syang mga kamag-anak pa dito kaya wala akong makitang dahilan noon para magstay dito. Parang ayaw nga nitong pumasok kanina dahil sa suot nitong track suit na binigay ko sa kanya. Ayaw daw nya iyong suotin dahil para daw syang magjajogging. Wala naman na syang nagawa nang banggitin ko kanina ang p

