HERA'S POV Nagising ako ng maaga. Nakayakap sa akin si Kulas kaya napangiti ako,kahit natulog akong may sama ng loob sa kanya kagabi ay sapat na na mabungaran ko ang kanyang mukha sa paggising sa umaga para mawala ang hinanakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi nito kagabi. Ilang sandali ding pinagmasdan ko ang kanyang mukha bago ko dahan-dahang inalis ang pagkakayakap ng mga braso nito sa aking katawan. Tumayo ako para magpunta sa banyo,balak ko kasing magluto ng almusal,makabawi man lang kagabi dahil sya ang nagluto ng pagkain namin. Nang papunta na ako sa banyo ay umilaw ang celphone nito na parang may tumatawag. Namatay ito agad kaya hindi ko na ito pinansin. Nagbanyo muna ako saka ako bumalik sa kwarto. Tulog parin si Kulas. Kukuha sana ako ng mga gamit ko nang umilaw muli ang cel

