STEFFEN'S POV Sobrang saya ko nang sa wakas ay mapapayag ko si Hera na magpakasal sa akin. Magkakarroon narin ako ng pamilyang matatawag na akin. Wala naman kasi akong pamilya,bukod sa mga kaibigan ko ay wala na akong itinuturing na kasama sa buhay. Kaya pag may misyon kami ay wala akong kinatatakutan. Kahit mamatay ako sa laban ay ok lang,wala naman kasi akong uuwian,walang naghihintay saakin. Kaya ok na rin na pabalik-balik ako sa Russia at America. At ngayong natagpuan ko na ang babaeng nagpatibok ng puso ko,hindi na ako papayag na mawala pa ito sa akin. Gagawin ko ang lahat upang manatili lang sya sa tabi ko panghabang buhay. Isa lang ang kinatatakutan ko ngayon,yon ay kapag malaman nito ang tunay kong pagkatao. Hindi pa ako handa para magtapat dito kung sino talaga ako. Ang gusto

