HERA'S POV Ewan ko pero naiinis ako sa Kulas na to. Hindi ko naman masabi sa kanya na naiinis ako dahi sa pakikipagflirt nito kay teacher Jasmin kanina. Hindi naman ako galit kay teacher,infact,naaawa nga ako sa kanya dahil sa sitwasyon nya ngayon. Sino bang babae ang maghahangad ng ganung bagay sa kapwa nito babae. Kung ako nga lang ang masusunod eh kahit ngayon din mismo ay magsusulat ako ng isang blog para ipagsigawan ang naranasan nitong bangungot. Kay Kulas lang ako nainis kaya nang nasa opisina na kami ay hinayaan ko syang alilain ng mga katrabaho ko. Lihim lang akong natatawa kapag nagmumura ito dahil lagi itong tinatawag sa pangalan nito. Nasasanay na nga rin yata akong naririnig at nababanggit ang pangalan nitong Kulas,pero sya mismo ay hindi. Napapangitan siguro talaga ito sa

