HERA'S POV Hindi ko alam pero para akong nasa isang hindi makatotohanang mundo. Kanina kopa iniisip kung saan ko nakita ang dalawang matandang iyon. Nakafocus kasi ako kanina sa kasal namin ni Kulas kaya hindi ko sila napagtuunan ng pansin. Para kasing may kamukha silang dalawa na hindi ko maalala kung saan ko nakita. Nang nasa kusina kami at nagkwekwentuhan nina Rachelle at France ay saka ko biglang naalala kung sila. "What the f-",hindi ko naituloy ang pagmumura ko sana nang gulat na mapatingin ang dalawang babae sa akin. "What's the matter Hera? Are you ok?",tanong ni Rachelle. "Rachelle,please tell me I am not dreaming. Pakikurot nga ako please." Pero itong si France ang kumurot sa akin. Loka-loka din pala ito. "Aray,makakurot ka naman wagas!",tumawa lang ito. "Rachelle,they

