KABANATA 60

2446 Words

"Ano'ng plano mo ngayon?" tanong ni Sandino na bumasag sa katahimikan ng gabi. Nakatayo ako ngayon sa terrace ng aking silid na tinutuluyan dito sa mansyon ni Sandino. At aaminin kong mula pa kanina ay hindi na ako makapag isip ng tama at naging okupado na nang nangyari kanina ang aking isip at buong sistema. Kahit ang pagkain ng hapunan ay hindi ko na nagawa pa, kaya't mas minabuti ko na lamang ang tumungo rito at magpahangin. Bumuntonghininga na lamang ako saka ko iniyakap ang aking mga braso sa aking katawan nang maramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin. "Gusto ko na munang umuwi sa probinsya, Sandy. Dahil kung hindi ko 'yon gagawin at mananatili pa rin ako rito sa siyudad ay malaki pa rin ang posibilidad na mauulit at mauulit pa rin ang nangyari kanina. Napapagod na ako, Sandy–

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD