Kaganapan

958 Words
Episode 2   Nanginging ang mga kamay na isa-isang pinulot ni Prae ang kanyang mga damit. Kinakabahan siya sa kung ano ang kahihinatnan nang kanyang ginawa pero buo na ang kanyang loob para sa kanyang plano. Plinano niya talaga na maabutan sila nang ina ni Sir Christian at Principal sa kanilang school sa isang napa ka compromising na sitwasyon pero di niya plinano na makikita sila nang Lola Pacita niya. “Kaya mo ito, Prae…para ito sa pag ibig at kasiyahan mo.” Usal ni Prae habang palakad papunta sa Principal’s Office. Kung saan nadatnan na niyang naka upo si sir Christian na nakayuko at kuyom ang kamao. Ang kanyang Lola naman ay nasa isang sulok nakaupo at tahimik na umiiyak. “Maupo ka Prae” ang utos ni Mrs. Asuncion. Hindi ko inaakala na me kababalaaghan na palang nangyayari dito sa aking eskwelahan. Care to explain this Christian?!” Mataas na boses na tanong ni Minerva sa anak.   “I don’t even know what is going on mum. Ang naalala ko lang ay bigla na lamang akong inaaantok habang nag aayos at naghahanda sana sa aking pag uwi kagabi. Why don’t we ask Prae to enlighten us?” sarkastikong usal ni Sir Christian kasabay nang pagbato nang napakatalim na tingin kay Prae.   Nang mga oras naman na yon ay hindi kayang salubungin ni Prae ang mga tingin ni Christian. Sa halos apat na taon na niya itong nakilala sa loob at labas nang eskewlahan di pa niya ito minsan man nakitang ganun kagalit o katas ang boses. Laging ma-awtoridad kung magsalita si Chrisitan pero malumanay pagdating sa kanya kaya siguro mas nahulog ang batang damdamin ni Prae sa kanya.   “Prae, did my son forced himself to you?’ Malumanay na tanong ni Mrs. Asuncion kay Prae, na mas lalong nkakapaghagulgol kay Lola Pacita. Agad tumayo si Prae para lapitan at konsulahin sana ang kanayang lola pero matunog na sampal ang binigay nito sa kanya kasabay nang pagtulak sa kanya.   “Huwag mo akong hawakan! Ikinahihiya kita Prae! Saan kami nang Lolo mo nagkulang sa pag papangaral sa iyo ha? Saan? Akmang sasampalin pa ulit sana cyah nang kanyang Lola nang dumating ang kanyang Lolo Lino at ito’y pigilan.   “Pacita, tama na! Ano ba ang nangyayari at sinasaktan mo ang apo natin? Sa harap pa mismo nila Misis Asuncion? Naguguluhang tanong nang matandang lalaki. “Yang magaling mo na apo ang tanungin mo Lino! Cyah yata ang magiging dahilan para ako’y atakihin sa puso at mamatay” iyak na litanya ni Lola Pacita. “Lolo, Lola patawad po. Para nyo nang awa Patawarin nyo po ako.” Umiiyak na pagmamakaawa ni Prae. “Aling Pacita, huminahon po kayu. Ngayung andito na rin lang si Mang Lino eh, manong pag usapan natin ito nang mahinahon.” Sambit ni Mrs. Asuncion “Paano ako magiging mahinahon Ma’am kung ang aming apo ay naagrabyado? Babae po ang amin at menor de edad pa. Dise-syeti pa lamang po si Prae! Ano na lang ngayon ang magiging kinabukasan nang aking apo? Paano kung mabuntis po iyan? Galit na saad ni Lola Pacita “Whoa! Anong buntis??? I don’t even think so na me nangyari sa amin! Galit na protesta ni Sir Christian sabay bato nang nakakamatay na tingin kay Prae. “Shut your mouth Christian! Don’t dig a bigger hole of yourself.” Matiim na bigkas ni Minerva sa kanyang anak. Balak pa sanang mag protesta ni Christian nang bigla siyang kwelyuhan ni Mang Lino. Kahit matanda na si Mang Lino ay malusog at sakto pa rin ang pangangatawan nito dahil na rin sa ito’y banat sa trabaho. Dahil nabigla hindi nakahuma si Christian. “Ano ang kabulastugan na iyong ginawa sa aking apo?! Mataas ang respeto ko po sa inyo Sir, dahil akala ko mabait at kagalang galang kayo? Pero ano po ang ginawa nyo sa aking inosenteng apo?” Nanggagalaiting tanong ni Mang Lino sa kanya. “Mang Lino huminahon po kayo at bitiwan nyo po ang anak ko. Kaya nga po tayu narito para pag usapan ang magiging responsibilidad nang anak ko sa inyong apo. Hindi po natin kailangan ang mag eskandalo at tuluyang ma iskandalo sina Christian at Prae. Ang mabuti pa po ay i-uwi nyo na muna si Prae sa inyo at mamayang gabi po ay pupunta kaming mag anak sa inyo para mamamanhikan at pag usapan ang pagsasama nang mga bata. “Anong pamamanhikan? Mum, I have a girlfriend. I don’t love her at walang nangyari sa amin so why should I marry her? Gulat at litong bulalas ni Christian “You should have thought about all of that before mo ginawa ito Christian. And no more words from you. You should go home too and rest. We will have a long day today and probably a long night as well. I’ll call your Dad in a minute.” Tiim-bagang na utos ni Minerva sa anak. “Paano po kami makakasigurado Ma’am na sa aming pag alis ngayun ay hindi po kami maghihintay sa wala mamayang gabi? Lumong tanong ni Lolo Lino “Ako na po mismo ang nangangako sa inyo Mang Lino. Hindi po tatakbuhan nang anak ko ang responsibilidad niya sa apo nenyu. Ang iniiwasan ko po lamang ay ang parehong maiskandalo ang ating mga pamilya kung hindi pa natin parehong pauuwiin sina Prae at Christian knowing na any minute me iba nang mga teacher’s at estudyante na darating. Mas mainam kung sa bahay nyo na mamayang gabi natin pag usapan ang mga kailangang pag usapan.” Mahinahon na paliwanag ni Mrs. Asuncion. “Bueno, kung ganun Ma’am aasahan po namin ang inyong pagpunta mamayang gabi sa aming munting tahanan. Halika na, Prae”. Inakay na ni Lolo Lino si Lola Pacita na hanggang ngayun ay nanghihina at tahimik na umiiyak parin. Parang sasabog naman ang ulo ni Prae sa sakit. Ngayun niya napagtanto ang mga komplikasyon sa kanyang nagawa. Mahina siyang tumayo at nagpaalam kay Mrs. Asuncion. Hindi siya tumingin sa gawi ni Sir Christian dahil nararamdaman niya ang talim at nakakalusaw na mga tinign nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD