Nalilitong Damdamin

2265 Words
Episode 20   "Ann iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Martin kay Teacher Sarmiento nang abangan niya ito palabas nang Women's toilet. Abala ang lahat sa school dahil Graduation Day na. In fact, nagsisimula na ang program. Isa si Miss Sarmiento sa emcee nang program at isa din si Mayor Hernandez sa mga guest of speakers nang eskwelahan.   "Martin baka me makakita sa atin at kung ano pa ang isipin" sabi naman ni Teacher Ann at hinila si Martin paliko nang koridor kung saan walang taong masyadong dumadaan. Nasa dulo na kasi ito nang mga kubeta at tanging ang mga tagalinis lang nang eskwelahan ang kadalasang pumupunta doon.   "Two days ka na kasing di sumsasagot sa mga text at tawag ko. Pinababalik mo din ang mga bulaklak na pina-deliver ko sa bahay nyo" sabi naman ni Martin na kitang kita ang kalungkutan sa mga mata.   Hindi talaga maiintindihan ni Ann ang kung ano nga ba ang pagtingin meron siya kay Martin. Pero isa lang ang alam niya. Nasasktan siya sa nakikitang kalungkutan nito. Pero napakakomplikado nang kanilang sitwasyon. Girlfirend siya nang pamangkin nito. Ano na lamang ang sasabihin nang mga tao kung makikipaghiwalay siya kay Christian para sa Tiyuhin nito? Hahamakin siya nang lahat.   "Martin, alam mong mali ang nadarama mo. Na mali itong kung anomang namamagitan sa atin. Boyfriend ko ang pamangkin mo. Aaminin kung parang nagkakalabuan na kami dahil parang wala na kaming oras sa isa't-isa kay a ay mas lalo akong nagi-guilty nang todo dahil di ako gumagawa nang paraan to meet him half-way...dahil...dahil mas una kung i-entertain ang kung anoman ang nararamdaman ko sa yo" nahihirapan ding saad ni Ann.   "Di umamin ka rin na meron ka ngang nararamdaman sa akin!" tila nabuhayan nang pag-asa na sambit nang binata na biglang nagkaroon nang kakaibang kislap ang mga mata   "Maling nararamdaman Martin. Maling-mali" sabi naman ni Ann   "Walang mali sa pag-ibig sweetie..what we feel for each other is right. We just need a right time for it and I'm willing to wait even if it takes forever" ani Martin na di na napigilan ang sarili na sakupin ang mga labi nang dalagang guro. Gustong-gusto na ni Martin na sabihin kay Ann ang buong katotohanan sa sitwasyon ni Christian at Prae pero hindi niya alam kung makakatulong ba ito sa sitwasyon nila o mas lalong makakagulo kaya mas pinili niya ang manahimik na lamang.         Kanina pa pinagmamasdan ni Christian si Prae na naka-upo kasama ang mga graduating students na mga ka klase nito. Dalawang gabi na since huli niya itong makaniig at sobrang namimiss na niya ito. Ngayun lang siya nakadama nang ganitong pangungulila sa isang babae. Kahit sa girlfriend niya na si Ann ay hindi niya pa ito naramdaman. Sa pag-iisip sa girlfriend ay biglang nakaramdam nang guilt si Christian dahil hanggang ngayun ay hindi pa rin siya naging honest dito. Ikakasal na sila ni Prae sa darating na Linggo, Lunes na ngayun pero hindi pa rin niya masabi sabi sa kasintahan ang totoong sitwasyon. Sa isiping iyon ay hindi na niya napansin nang tumingin si Prae sa kinauupuan niya.     Kanina pa salita nang salita si Roy sa tabi ni Prae pero walang naabsorb ang utak niya sa mga sinsabi nito. Dalawang gabi na kasi silang di nakakapag-usap ni Christian simula nang me huling mangyari sa kanila. Kahit magkatabi sila sa pagtulog ay hindi naman sila nagkakausap. Late na kasi ito umaakyat kaya kadalasan tulog na siya. Maaga naman siyang bumababa para tumulong sa pagluluto kaya kadalasan ay tulog pa ito. Napatingin si Prae kay Christian na nakaupo sa unahan nang stage kasama ang iba pang mga advisers, pero hindi ito nakatingin sa kanya bagkus ay tila kay lalim nang inisip nito nang bigla itong ngumiti nang matamis. Agad sinundan nang tingin ni Prae ang kung sino aman ng nginitian nito at biglang pagkirot nang kanyang dibdib ang sumunod na kanyang naramdaman. Nakita niya kasi na ang nobya nito na si Miss Sarmiento ang matamis na nginitian nito na umaakyat pabalik nang entablado galing siguro sa toilet. Agad nagbaba nang tinign si Prae kasabay nang malalim na buntung-hininga na narinig nang kaibigang si Roy.   "Mars, okay ka lang?" mahinang bulong nito na di na naitago ang paglamya nang boses.   "Okay lang ako Mars, kaya pa to" sabi naman ni Prae sa mahinang tinig.     Agad hinawakan ni Roy ang kamay nnag kaibigan at pinisil ito.   "Hay, pag-ibig talaga oo. Basta andito lang ako ha, kung feel mo na, na maglabas nang sama nang loob" sabi nito na sobrang nahahabag sa kaibigan.   "Salamat, Mars..." maluha-luha namang sabi ni Prae na hinayaan lang na hawakan parin ni Roy ang kamay.         Nangangalit naman ang bagang ni Christian sa nasaksihan. Kitang kita kasi sa kanyang upu-an ang sweet na pagbubulungan nina Prae at Roy sa upu-an na para bang me mga sariling mundo. Mas lalong kinain nang selos ang kanyang puso nang makitang hinawakan ni Roy ang kamay nang dalaga at pisilin ito. Hindi naman ito kinuha ni Prae at hinayaan lamang ito. Ngaling-ngaling tumayo si Christian sa upuan at hablutin ang dalaga palayo kay Roy. Nang magtaas nang tingin ni Prae ay nagkasulbong ang kanilang mga tingin ni Christian. Puno nang kalungkutan ang dalaga at puno naman nang galit ang tingin ni Christian. Agad nagbaba nang tingin si Prae. Di niya kayang salubungin ang galit sa mga mata ni Christian. Ano na naman kaya ang kasalanang nagawa niya?     "Wag ka nang magtanong Prae. The fact na ginugulo mo ang relasyon nila nang girlfriend niya ay enough na para magalit siya sa yo nang tuluyan" ang nasa isip ni Prae.   "Sobrang lungkot nang mga mata mo Baby. Nagsisisi ka na ba at pumasok ka sa sitwasyon na ito? Bigla na bang nagbago ang damdaminmo? Have you relised na mas gusto mong makasama ang ka edad mo? " sa isip-isp naman ni Christian na mas nag pa igting sa selos na kanyang nararamdaman. "Not so fast, and not so easy Baby" anito pa habang patuloy na pinagmamasdan ang nakayukong dalaga.             Natapos ang graduation nang mga graduating students na matiwasay. Agad nilapitan ni Minerva si Prae at kinongratulate ito, pati na sina Lola Pacing at Lolo Lino. Inimbita ni Minerva ang mag-asawa na sumama sa kanila sa bahay at doon na maghapunan para mai-celebrate ang graduation ni Prae at para na din mapag-uusapan ang magaganap na selebrasyon sa darating na Linggo. Tumanggi naman nang mag-asawa at nagpasabi na me inihanda silang konting salo-salo sa kanilang bahay para sa kanilang apo. Agad namang nagpaalam si Prae kay Minerva na doon muna siya matutulog sa bahay nang kanyang abuelo at abuela dahil namimiss na niya ang mga ito at para na din makasama ang mga itong mag celebrate nang kanyang pagtatapos. Agad namang pumayag ni Minerva sa hiling ni Prae at nagsabing ito na ang bahalang magsabi sa iba pa nilang mga kasama sa bahay. Iniwanan na sila nito para naman i-congratulate pa ang ibang mga istudyante matapos magbilin sa dalawang matanda na kung maari itong makausap kinabukasan sa kanyang opisina. Agad namang nag oo sina Lolo Lino at Lola Pacing. Nang sila na lamang ang naiwan ayagad nang nag aya na umuwi si Lola Pacing. Nagsabi naman si Prae na magpapaalam lang siya sa kanyang mga ka-klase.         Dapit-hapon na nang makauwi nang kanilang bahay si Christian. Sobrang pagod niya sa araw na ito dahil isa siya sa mga gurong inatasan nang kanyang ina na mag istima sa ibang mga bisita nang eskwelahan kanina. Hindi na nga siya nakalapit kanina para i-Congratulate si Prae. Hindi din ito kasama o sumama sa ibang mga advisory students niya na pumunta sa faculty room kanina kung saan nila idina-os ang kainan sa mga bisita nang programa. Naisip nalang niya na dito nalang ito sa bahay i-congratulate at para ibigay din dito ang regalo na binili niya. Agad niyang kinuha sa glove box compartment nang kanyang sasakyan ang regalo niya kay Prae. Alam niyang babagay ito sa dalaga. Simple lang kanyang regalo pero elegante ito kagaya ni Prae. Napangiti si Christian at agad lumabas na nang sasakyan para pumasok sa kanilang bahay.       "Manang Belen, tayu-tayu lang po nila Christian ang maghahapunan tonight. Late na daw kasi makaka-uwi si Rudy. Si Martin naman ay me ka meeting sa kabilang bayan habang si Prae ay sa kanyang Lolo at Lola matutulog. Si Papa naman ay sa kwarto niya nalang daw kakain" pagibbgay impormasyon ni Minerva kina Manang Belen sa kusina na naghahanda na para sa kanilang hapunan.   "Ganun ba? Ipinagluto pa naman ni Susan nang adobong manok si Prae dahil iyon pala ang paborito nang batang iyon. Konting handa sana sa graduation ni Prae" sagot naman ni Manang Belen.   "Ipagtira nyo na lamang po siya sa ref Manang at bukas pag balik niya ay tiyak makakain din niya iyan" nakangiting sabi ni Minnerva.   "Sino ang dadating bukas Mum" bungad tanong naman ni Christian na kapapasok lang sa kusina. Agad itong humalik sa ina at nag mano kay Manag Belen.   "Si Prae, Hijo" sagot naman ni Minerva sa tanong nang anak.   Napakunot ang noo ni Christian sa sinabi nang ina.   "Ha? Bakit asan ba si Prae?" kunot pa rin ang noo na tanong nito.   "Nagpaalam siya na doon muna matutulog sa mga Lolo at Lola niya. Naghanda kasi nang konti sina Aling Pacing at Mang Lino bilang pasasalamat sa pagtatapos nang kanilang apo. Kaysa naman na hatiin ni Prae ang oras niya ay dun ko nalang siya pinatulog, anyway sa Sunday pa naman natin ice-celebrate ang graduation niya" sabi naman ni Minerva sa anak.   "Ah, okay Mum. Sige aakyat na muna ako sa kwarto. Napagod ako today" paalam nito sa ina.   "Oh, sige magpahinga ka na muna. Ipapatawag nalang kita pag handa na ang hapunan" sabi naman ni Minerva.       Agad nang umakyat si Christian sa kanilang silid. Pagpasok niya ay naamoy pa niya ang pabangong ginamit nang dalaga. Pero bakante at napakatahimik nang silid.  Agad tumihaya si Christian sa kama sabay hugot nang kanyang cellphone sa bulsa nang kanyang pantalon.     "Hi, you... busy ka ba?" text nito.   Maya-maya pa tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nag reply.   "Hello you! Hindi naman masyado. Tinulungan ko si Lola sa pagluluto" sagot naman nito sa message niya.     "I didn't know na me plano kang jan sa mga Lola mo matulog? You didn't mention it to me" sabi naman ni Christian.     "Wala din sa plano kanina eh. Pero naghanda kasi sina Lolo at Lola, saka namimiss ko na din kasi sila" reply naman nang dalaga.     "Ako ba di mo nami-miss?!" tanong nang binata dito.  Nag antay pa siya nang ilang minuto pero wala nang sagot sa dalaga. Chi-neck ni Christian ang kanyang cellphone at baka nawalan ito nang signal, pero malakas ang signal nito. Nangangalaahti pa din ang battery nito kaya alam niyang kung nag reply ang dalaga ay matatanggap niya ito. Naghintay pa siya nang ilang minuto bago nag pasyang tawagan si Prae. Nakailang ring muna sa kabilang linya bago ito sagutin nang dalaga.   "Hello?!" sagot nang dalaga   "Naubusan ka ba nang load?" bungad na tanong ni Christian dito.   "Ha? Hindi, me load pa ata ako, bakit?" tanong naman ni Prae dito.   "Ba't di ka nagreply sa taext ko?" kulit nito sa dalaga.   "Me ini-uutos kasi si Lola sa akin" sagot naman nito sa kabilang linya.   "I see. So diyan ka sa kanila matutulog? Di pa kita na congratulate sa gradution mo" sabi naman ni Christian na na-upo at sumandal sa headrest nang kama.   "Pwede mo naman ako'ng i-Congratulate dito sa phone ah! Saka, Oo dito ako kina Lola matutulog. Nagpaalam na ako ke Tita Minerva at pumayag naman siya" sabi naman ni Prae.   "At sa akin, wala kang balak magpapaalam?" mahinang tanong ni Christian.   "Hindi na, kasi alam ko namang papayag ka. Mas maige nga iyon dahil masusulo mo ang kama mo nang kung ilang araw" sabi naman ni Prae.   "Yeah, right! Wait... what do you mean nang kung ilang araw? I thought tonight ka lang matutulog jan?" nabiglang tanong ni Christian.   "Balak ko kasi na mag stay muna dito kahit mga ilang araw para maka pag spend time naman ako kina Lola. Once kasi makapag enroll na ako sa college at magsimula na namang mag aral eh medyo matatagalan pa ulit bago ko sila makita at makasama ulit" pag e-esplika ni Prae sa binata.   "Paano ang mga gamit mo?" tanong naman ni Christian   "Ah, iyon ba? Me mga natirang mga gamit pa naman ako dito kaya hindi problema iyon. Nagbalak din kasi sina Lola na i cultivate ang natitirang bakanteng lupa sa me likuran nang bahay. Tamang-tama matutulungan ko sila" ani Prae.   Ilang minuto na natahimik si Christian sa kabilang linya.   "Hello? Christian? Anjan ka pa ba?" tanong nang dalaga   "Yes, I'm still here. A night would be fine but more nights I don't think so, besides by Sunday or before that you should be back here already dahil sa malaking party" sabi naman nang binata.   "Oo alam ko. Babalik din ako jan wala pang Linggo, Lunes pa lang naman ngayun eh" sabi naman ni Prae.   "That's not okay with me. Pupunta ako jan" biglang sabi nito na tumatayo na.   "Ha?! Pupunta ka dito sa bahay namin?!" nabiglang tanong ni Prae dito.   "Yes. I'm about to leave, I’ll hang-up now" sabi nito na agad na ngang pinatay ang telepono.   Kahit ang sarili ay hindi maintindihan ni Christian. Nang marinig kasi niya galing mismo kay Prae na hindi niya ito makikita at makakatabi sa pagtulog nang kung ilang araw ay bigla niyang naramdaman ang pangungulila dito. Hnidi niya maipaliwanag ang damdaming iyon dahil bago ito sa kanya pero isa lang ang sigurado siya, gusto niyang makita at makapiling ang dalaga.   Agad siyang kumuha nang ilang personal na gamilt at inilagay ito sa duffel bag at lumabas na nang kanyang silid nang maalala niya ang biniling regalo para sa dalaga na inilapag niya kanina sa bedside table. Agad siyang bumalik sa silid at kinuha ito saka nagmamadaking bumaba na nang hagdanan.                                                                     "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD