Episode 9
Kinagabihan, abala ang lahat sa paghahanda para sa pagdating ni Senyor Franco. Ilang buwan din kasi itong namalagi sa America para magpa opera sa puso nito. Aligaga si Minerva sa pagbibigay nang insruction's kina Manang Belen nang pumasok si Mayor Martin Hernandez.
"Ang bango nang buong kabahayan ah, mas kumakalam tuloy ang aking sikmura sa gutom" natatawang pahayag nito.
"Kung gayon ay, tara na at dumiretso na tayu sa komedor para maghapunan. Tayo-tayu lang at parehong nagpasabi sina Christian at Rudy na late nang makaka-uwi" kayag naman nang ginang sa kapatid na lalaki.
Naglakad na nga papasok nang komedor sina Minerva at Martin kasunod si Manang Belen kung saan nadatnan nila duon sina Aling Susan, Lyn at Prae na nag se-set up nang lamesa.
"Good evening po Mayor, Ma'am... handa na po ang mesa" sabi ni Aling Susan. "Si Prae po ulit ang nagluto ngayun" dagdag pa nito.
"Siya nga bah? Sige na at nang matikman natin. Manang Belen, maupo ka na rin. Prae...let's eat. Sumabay na din kayu ni Lyn, Aling Susan since wala naman sina Rudy at Christian" nakangiting pahayag ni Minerva.
Tinawag na ni Aling Susan si Lyn, at sabay-sabay na silang na-upo sa hapag para kumain. Tahimik lamang ang lahat sa pag kain maliban sa paminsan-minsang pag u-usap at pag tatanong ni Minerva at Martin.
Nang matapos kumain ang lahat nag boluntaryo si Prae na tumulong sa pagliligpit. Sinabihan naman siya ni Minerva na wag muna ulit pumasok sa eskwela kinabukasan para ma meet at maka-usap niya ang Lolo Franco ni Christian. Mahinang "Opo Tita" lang isinagot ni Prae at iniwan na sila nina Mayor Hernandez.
Pagkatapos mag ligpit, umakyat na sa itaas si Prae at naligo. Panay ang tingin niya sa orasan at nae-excite siya sa pag uwi ni Christian. Marami na siyang nalaman na mga gusto at di gusto ni Christian dito sa bahay, salamat sa madaldal na si Lyn. Pagkatapos maligo, naglabas siya nang malinis na pantulog ni Christian at inihanda ito sa paanan nang kama, ready na sa pag uwi nang kinasasabikang nilalang. Naka upo lamang sa may verandah si Prae hindi alintana ang malamig na simoy nang hangin dahil naka suot lamang siya nang manipis na puting kamisita. Di na siya nag aksayang patungan ito nang kanyang Roba pagkat nasa loob lang naman siya nang kanilang silid ni Christian. Pinili niyang dito muna maupo at magbasa nang kanyang libro habang humihigop nang kape para agad niyang makikita ang pagdating nang sasakyan ni Christian.
Pumatak na ang alas onse y' medya ang malaking orasan sa kanilang silid at nakakaramdam na rin nang antok si Prae pero wala parin si Christian. Unti-unti na siyang nag aalala. Kinuha niya ang kanyang cellphone at hinanap sa kanyang contact list ang number nito. Binigyan kasi silang lahat na mga Class Officers ni Christian sa kanilang klase nang number nito just in any case na wala silang klase o, may gusto itong iparating sa kanilang batch. Di malaman ni Prae kung ida-dial ba niya ang number nito o, mag aantay pa rin. Pero dahil sa sobrang late na at nag aalala na rin talaga siya tinawagan na niya ito. Naka pangatlong ring pa lamang ito nang marinig niya ang ring sa ibaba. Nasa verandah kasi siya at direkta itong nasa itaas nang entrance door. Nang dumungaw si Prae, nakita niya si Christian na huminto sa tapat mismo nang verandah para tingnan ang kung sino ang tumawag dito. Dahil di niya binuksan ang ilaw sa kanilang silid maliban na lamang sa lamp shade, madilim ang parte nang verandah at di siya nakita nito. Kitang kita ni Prae, ang pag rehistro nang galit sa mukha nito nang makita kung sino ang tumatawag at agad nitong kinancel ang tawag niya.
"F***ing w***e!" dinig na dinig ni Prae ang mga katagang binitawan ni Christian bago nagpatuloy sa paglakad papasok nang bahay.
"Kaya mo ito, Prae. Ginusto mo ito di ba? Laban lang" pagpaplakas loob ni Prae sa sarili dahil sa malakas na kaba na kanyang nararaamdaman.
Lalabas na sana siya nang silid npara salubungin si Christian ang bigla itong bumukas at iluwa ang sumusuray-suray na si lalaki. Kahit malayo pa ang pagitan nila amo'y na amoy ni Prae ang alak sa katawan nito na humalo na sa natural na bango nito.
"Good evening, kanina ka pa namin hinihintay. Kumain ka na ba? o gusto mong ipag hain kita?" nakangiting tanong ni Prae.
Tumikwas ang bibig ni Christian at pa bruskong hinawakan ang nguso ni Prae.
"Playing as the dotted wife, are you? Thanks, but no thanks. Nawawala ang appetite ko pag nakikita ko ang mukha mo, and ooh..yes..uminom ako...uminom ako to forgot, para makatulog nang mahimbing hoping that the next time I woke up...you are gone! and all of...this ..is just a dream...NO... a freaking nightmare...because,,,because...b..bwaah" eksaktong-eksaktong sa dibdib na bahagi ni Prae napunta lahat nang suka nito.
"Christian, agad itong inagapan ni Prae dahil nakita niya ang pamumungay nang mata nito aat ng pagka buway nang tayo nito. Inaalayan niya ito pahiga sa kama, at dahil sa me kabigatan ito ay pinagpawisan nang todo si Prae bago pa niya ito tuluyang maihiga sa higaan.Agad niyang hinubad ang kanyang pantulog nat nagpalit nang damit dahil nabasa ito sa pinaghalong suka ni Christian at pawis niya. Pagkabihis, agad niyang hinubaran nang damit si Christian at bumaba para mag init nang tubig. Mabuti na lamang at parang tulog na lahat nang tao sa bahay. Umakyat na pabalik nang kanilang silid si Prae dala ang maliit na batya nang maligamgam na tubig. Kumuha siya nang bimpo sa bathroom at sinimulan nang punasan ang buong katawan nito.
Habang pinupunasan ni Prae ang pang itaas na bahagi nang katawan ni Christian ay di niya mapigilan na makaramdam nang kakaibang init sa sarili lalo na nang dumako sa may tiyan nito ang bimpo. Napaka gwapo talaga nito at napa ka tikas nang katawan kaya hindi nakapagtataka na maraming mga kapwa niya estudyante ang nahuhumaling dito.
Dumako sa may pababa nang puson ni Christian ang kanyang pagpunas nang mapansin niya ang manilaw nilaw na mantsa sa may harapang bahagi nang garter nang brief nito. Hindi niya napansin kanina na natapon pala ang suka nito hanggang sa pang ibabang parte nang pantalon at na soak maging ang brief nito. Nilapag ni Prae ang bimpo at pikit ang matang ibinaba niya ang huling saplot ni Christian. Nang imulat niya ang kanyang mata di niya mapigilan ang sarili na tingnan ang pagkakalalaki nito. Ibang-iba ito sa tanawing kanyang nakita at nahawakan nung mag uumaga na sa Theatre Hall. Alam niya ang mga bagay na ito. dahil napag aralan na nila ito sa kanilang s*x education class pero hindi niya ma-explain ang pakiramdam ngayong harap harapan niya itong napagmamasdan.
Nahihiya man pero dahil sa alam niyang tulog si Christian kaya sinubukan niya itong hawakan at damhin nang bigla na lamang itong gumalaw mag isa. Muntik nang mapasigaw sa gulat si Prae.
"Natural reflexes, Prae. Natural reaction, so please don't be so stupid" naiiling na natatawa sa sarili na bulas ni Prae at ipinagpatuloy na ang pagpupunas sa binata. Pagkatapos punasan ang buong katawan nito, kinuha ni Prae ang kumot sa paanan nang kama at akmang kukumutan na si Chrisitian nang bigla na lamang siyang hatakin nito.
"Hmmmp, stay here babe...don't leave me" bigkas nito kasabay nang pagpulupot nang mga baraso nito kay Prae
"Christian, di ako makahinga" pilit kumawala ni Prae. Alam niya kasing nanaginip si Christian.
Pero hindi man lang lumuwag ang pagka pulupot nito sa kanya. Bagkos mas lalo pa itong humigpit. Sa ginawa nito mas dumantay ng mukha ni Prae sa dibdib nito at dinig na dinig niya ang pitik nang puso nito. Huminto na sa paghuhulagpos si Prae. at tiningnan ang nakpikit paring si Chrisitian. Gustong-gusto ni Prae ang pakiramdam nang nakakulong sa braso nang kanyang minamahal. Na kahit sa ganitong sirkumstansya eh, nararamdaman niya ang mayakap nito nang mahigpit.
"Alam kung, hindi mo ito magagawa kung nasa tamang huwesyo ang utak mo. Magpapasalamat ako sa chance na ito at sabihin nang makasarili ako pero I will take advantage of this situation and enjoy this chance na mayakap ka rin. Na makulong ako sa bisig mo at mahalikan ka nang ganito" at tinawid na nga ni Prae ang pagitan nang kanilang mga labi. Hindi siya marunong humalik dahil ni minsan ay hindi pa siya nahalikan sa kanyang labi. Gusto lamang niyang maramdaman ang lambot nang mga labi ni Christian.
Pagkadantay nang kanyang labi sa labi nito ay parang naalimpungatan si Christian at sinibasib siya nang halik. Naramdaman na lamang ni Prae na pilit binubuka nang dila nito ang kanyang bibig. Hindi alam ni Prae ang kanyang gagawin kaya napapikit na lamang siya at sumusunod sa guide nang eratikong kahalikan. Parang mauubusan nang hangin si Prae nang finally pakawalan ni Christian ang kanyang mga labi. Humihingal na napangiti si Prae...di niya maisip na ganun pala kasarap ang halik. Ang kanyang pinaka unang haalik na galing kay Christian na hindi pilit at pagalit. Sobra palang sarap nang halik nang iyong tunay na mahal. Ngiting agad napawi kasabay nang sobrang kirot na humiwa sa kanyang puso ang pagpatak nang kanyang luha nang marinig ang kasunod na turan ni Chrisitian.
"That was lovely babe. Oh...Ann, I do love you so very much. I can't leave without you babe. Stay with me...please stay with me" mahinang usal nang tulog na si Christian.