Episode 11
Naka upo at kuyom ang mga kamao na tila kay lalim nang iniisip nang anak nang datnan ni Minerva sa loob nang study. Tahimik na umupo si Minerva sa katapat na upuan at tiningna nang matiim si Christian.
"Naalala mo ba yong time na ora-orada pinadala ka namin sa America para dun ka na muna tumira sa mga Lola Mercedes mo hijo?" tanong ni Minerva
Naguguluhan man dahil bakit biglang inungkat nang ina ang pangyayaring iyon mahigit 17 years ago na ang nakalipas at kung ano ang koneksyon nito sa sitwasyon nila ngayun ay marahang tumango lamang si Christian sa ina.
"Siguro panahon na para malaman mo ang pangyayari nung mga panahong iyon" pagpapatuloy nang ginang. Kasagsagan iyon nang pangangampanya nang ating pamilya dahil nasa panagalawang termino na nang pagka Mayor ang Lolo mo. Gustong-gusto parin ni Papa na ipagpatuloy ang kanyang na umpisahan. During those times din isang matibay na kalaban sa politika nang Lolo mo ang nahaharap sa Graft and Corruption case na siyang isinampa nang Lolo mo ay ang batang anak nang mga Romualdes. Ang matagal nang kaaway nang ating pamilya sa politika. Siya din ang isa sa masugid kung manliligaw simula't-sapul at kahit mag asawa na kami nang noon ay bagong doctor pa lamang na ama mo eh, hindi pa rin ako tinigilan " parang bumabalik sa nakaraan na kwento ni Minerva sa ngayon ay napupukaw na interes ni Christian. Hindi kasi pinag uusapan nang kanilang pamilya ang kung anoman ang nangyari nung mga panahong iyon. Busy din sa kanyang sariling mundo si Christian at sa Manila siya naglalagi kung saan siya nang aaral nag High- School at kolehiyo. 14 years old lamang siya nang mga panahong biglaan ang pagluwas nang kanyang mga magulang sa Manila at pinadala na agad siya sa Amerika the very next day.
"4 days before ang eleksyon nang dukutin ang iyong Tito Martin ni Samuel Romualdez at nang mga kaibigan niya. Hindi pera ang kailangan nila dahil may kaya naman ang mga Romualdez. Ang gusto ni Samuel ay i-atras ni Papa ang kaso na isinampa niya dito dahil kung hindi papatayin niya ang Tito Martin mo. Walang nagawa si Papa nuon kundi ang pumayag lalo na at ipinadala nila Samuel ang duguang school uniform nang Tito Martin mo. Ini arrange kaagad nang Lolo mo ang pag atras nang demanda laban kay Samuel. Pero hindi parin sinabi ni Samuel kung kailan at saan nila ibabalik si Martin. Kinhapunan niyan nakatanggap ulit nang tawag ang Lolo mo galing kay Samuel at sinabi nito ang lugar at oras kung saan pwedeng sunduin ang Tito Martin mo, pero sa iisang kondisyon, kailangang ako ang sumundo sa Tito mo. Walang police, at lalong wala ang ama mo. Ako lamang, dahil sa oras na makita nilang me iba akong kasama papatayin nila ang Tito mo" patuloy na kwento ni Minerva.
"Pero walang ni isa sa ating pamilya ang me balak na sundin ang gusto ni Samuel. Alam kasi nang lahat na kapag pumunta ako doon na mag-isa hinding hindi na ako makaka uwi, alive or dead for that matter. Ayaw pumayag nang Daddy mo na pumunta ako, and who will blame him? Kahit ang Lolo mo di makakapayag sa gusto ni Samuel but he also wants to save your Tito Martin. Nang may idea na iminungkahi si Ramon, ang dating Driver natin at naging mabuting kaibigan nang Daddy mo. Siguro di mo na natatandaan ang mag asawang Amara at Ramon. Si Amara ay, siya namang matalik kung kaibigan. Nag mungkahi si Ramon na imbes ako ang pumunta eh, ibang babae ang papupuntahin namin sa lugar kung saan ang sinabi ni Samuel. Pero hindi basta-basta'ng babae lamang kundi dapat kahawig ko sa buhok at tindig para sa malayuan eh hindi agad makikilala na hindi ako ito. At para hindi kami mahalata makikipag usap ako kay Samuel sa cellphone habang ang babae namang aming ipapadala ay makikipag usap din sa cellphone pero ang mga pulis ang nasa kabilang linya para magbigay nang instruction " pagpapatuloy na kwento nang ginang na ngayon ay napapansin na ni Christian ang pamumu-o nang luha sa mga mata nito.
"Nagustuhan nang lahat ang imi-nungkahi ni Ramon at agarang lihm na nakipag coordinate ang mga Lolo mo sa pulisya nang ating bayan. Dahil sa current Mayor pa rin ito agad umaksyon ang mga pulis. Tinigom nila ang kanilang mga babaeng pulis nang mga panahong iyon para makapili kung sino ang medyo nakakahawig ko sa buhok, tindig at pangangatawan, pero talaga yatang hindi nakikisama ang langit dahil wala ni isa man sa mga ito ang kahit kasing katawan ko lamang. Lahat ay halos mawalan na nang pag asa dahil magtatakip-silim na pero wala pa rin kaming mahanap na babaeng mag pro-proxy sa akin nang pumasok sa study sina Manang Belen, Ramon at Amara na nung mga panahong iyon ay namumutla at medyo mahina pa dahil kakapanganak pa lamang nito kay Prae" patuloy na pahayag nang ginang sa ngayun ay gula't na gulat na si Christian.
Hindi pinansin ni Minerva ang gulat na tinging ipinukol ni Christian sa ina. Bagkus nagpatuloy ito sa pag kwento.
"Tumawag sa akin si Ramon at ipinaliwanag niya ang sitwasyon nenyu. Gusto kung makatulong Minerva" bungad agad ni Amara sa kanya.
"Anong ibig mo'ng sabihin Amara?" gulata na tanong ni Minerva na hindi maintindihan nang tulong na nais tukuyin nang kaibigan.
"Pwede akong mag proxy sa yo" ang walang ka kurap-kurap na sabi ni Amara
Saka pa lamang nalinawan si Minerva sa ibig sabihin nang kanyang kaibigan. Kung nakatalikud lang at mag dadamit si Amara nang katulad nang pananamit ni Minerva ay mapagkakamalan mo talaga na magkakambal sila. Pareho kasi silang matangkad at balingkinitan. Idag-dag pa ang pareho nilang mahaba at kulot na mga buhok, although natural na ang pagkulot nang buhok ni Amara at gawa naman sa medisina ang kay Minerva.
Lumapit si Senyor Franco kay Amara at hinawakan ang kamay nito. "Hija, tatanawin ko itong napakalaking utang na loob. Mapanganib ang gagaawin mo, at kakapanganak mo pa lamang, pero hindi ka nag dalawang-isip, kayong mag-asaw na tulungan kami" ang maluha luhang pahayag ni Senyor Franco.
"Sa kabutihan at walang humpay po nenyung pag tulong sa akin at sa aming pamilya Senyor Franco ay malugod at bukal po sa aking sa loob ang aking gagawin. maisugurado lamang po natin ang kaligtasan ni Martin at ang di pagkapahamak ni Minerva sa kamay ni Samuel " sagot naman ni Amara.
Niyakap nang mahigpit ni Minerva ang matalik na kaibigan at nakinig na silang lahat sa instructions nang mga pulis. At dahil hindi marunong mag maneho ni Amara hindi kagaya ni Minerva napag kasunduan nila na i-kondisyon na magsama nang driver kunwari si Minerva dahil sa hindi siya makakapag maneho gawa nang nerbiyos sa mga nagyayari. Pumayag naman si Samuel kaya napalagay nang konti si Ramon sa gagawin nang bagong panganak na asawa pagkat nandudu-on din siya para ipagmaneho ito.
"To cut the whole story short and to spare you with all the horrid details, nakawala at nakatakbo into the safe hands of the police ang Tito Martin mo pero di pinalad sila Amara at Ramon na makaligtas. Binaril mismo ni Samuel si Amara sa harap ni Ramon nang ma realize niya na di ako ito kasunod nang pagbaril niya kay Samuel bago paman makalapit ang mga pulis. Right there and then, naging ulila ang walang kamalay malay at few days old pa lamang na si Prae" naiiyak na kwento ni Minerva na ngayun ay nanginginig pa rin everytime na aaalalahin niya ang tagpong iyon nang nakaraan.
"Sa kamay ko mismo nalagutan nang hininga si Amara, pero bago ito bawian nang buhay pinapangako niya kami, especially ako na huwag pabayaan ang anak niya. Ang anak niya na sabay nawalan nang ama at ina dahil lamang sa mga hangarin nito na maka tulong at mailigtas ako. Pagkatapos ng pangyayaring iyon at mapatay din nang mga pulis si Samuel nagpasya sila Lolo mo na huwag nang isa publiko ang totoong pangyayari to prevent similar things from happening and to spare the whole family na maging sentro nang usap-usapan. Piling membro at mga tao lamang ang nakakaalam sa totong nangyari and I doubt that even Prae knows how noble her parents are. Mismong ang Lolo Franco mo ang nag aasikaso sa libing nang mag-asawa bilang Mayor at simula't sapul from a distance, nakaantabay siya sa pagpapalaki kay Prae discreetly, always making sure na maayos ang pamumuhay nang ina'y at ita'y ni Amara at pati na din ang nag-iisang anak nang mga ito. Prae didn't just got her Scholarship just because she is smart. Ginawa siyang Municipal Scholar ni Lolo mo to make sure na provided siya sa lahat nang bagay...mga bagay na dapat ang mga magulang niya ang nagbibigay at gumagabay sa kanya".
"Now, Christian paano mo ipapaliwag ngayun sa Lolo mo kung hindi mo papanagutan ang naganap sa Theatre Hall? At hayaan at pababayaan mo na lang na pag usapan nang mga tao at masira ang dignidad nang anak nang mga taong nagligtas sa buhay ko at ang ang mga taong responsable kung bakit kasama pa natin ang Tito Martin mo sa ngayun?" seryosong tanong ni Minerva sa anak na hanggang ngayon ay sobrang na shock parin sa kanyang mga narinig at nalaman na kung hindi lang sa bibg mismo nang kanyng ina galing ang mga narinig ay iisipin niyang isang pangyayari sa pelikula at hindi sa totoong buhay, especially sa buhay nang kanilang pamilya.