Inilibot ni Luxuria ang mata sa bawat tao, tinitingnan kung may nakarinig sa sinabi ni Grandpa Francis. “Grandpa,” bati ni Thomas. Kung siya lang gusto niyang ipagsigawan at ipagmalaki na si Luxuria ay kanya, but he knows her priorities. Hindi naman siya yung taong gusto laging una. They are adults that should understand each other. He will lend his wings to help her. They will grow together. “Grandpa, dapat nagpapahinga na kayo,” nag-aalalang sambit ni Luxuria. Ayaw n’yang ma-stress ito lalo na sa kalagayan nito ngayon. His health was the most important. “Don’t worry apo, malakas pa naman ang lolo,” biro ni Francis kahit na alam niya ay hindi na siya magtatagal pa. “Sige nga sayaw nga kayo.” Grandpa Francis playfully glared at Luxuria and looked at Thomas who was staring at her grand

