Two weeks later... “Ano ba, Thom? Ang bagal bagal mo?” nayayamot na saad ni Luxuria habang ang kilay nito ay magkasalubong at nakanguso ang labi. “Ito na, darling!” sigaw ni Thomas habang dala dala ang nilutong kwek-kwek at ilang cuts ng pakwan. Ilang sandali lang siya nawala nayamot agad ang darling niya. Masyado itong moody. Pagbukas ni Thomas sa kwarto nila ay nakabusangot ang mukhang tumambad sa kanya ng kasintahan. Actually, pinalipat niya ng kwarto ang dalaga sa kwarto niya while staying at his parent’s house. He was also constructing a house for them at magsisimula na itong itayo next week. “Here, darling, don’t frown.” Thomas kissed the top of her head while putting down the food on the table. “Bakit pangit ba ako?” Agad namang sumagot si Thomas dahil sa ekspresyon ng dalaga

