Trigger Warning! This chapter contains self-harm, suicide thoughts, cutting and depressions, so if you are in emotional/mental state, this may trigger yourself. Always remember that you are not alone and you are loved. _ "So you knew Lucian, all along?" tanong ko rito habang naglalakad kami palabas ng hotel. Suot ko ang isang strapless dress, wayfares, at floopy hat. Sapat na ito upang maitago ko ang aking mukha. Samantalang si Thylandier ay nakasuot ng hoodie at nakapamulsang nakayuko upang maitago rin ang kaniyang mukha kung sakaling may makakita sa amin. Pabalik kami sa isla. Nang makarating sa daungan ay agad kaming sumakay sa yate kung saan naroon sina Rex at Carlito—tauhan niya na naghihintay sa pagdating namin. "I knew him since I was high school," tamad nitong saad. Nalaglag

