CHAPTER 28

1474 Words

Sa parke, katapat ng matayog na gusali ng Castoldi Labs, dinala si Perlas ng kanyang mga paa. Tumayo siya sa harap ng solidong basurahan at inis na pinagsisipa iyon. Dumaing siya nang ang mga daliri sa paa niya lang ang kumirot. Mababang tumawa ang nagpalingon sa kanya. Nakatayo sa kanyang likuran si Vicencio. May dala itong malamig na inumin na selyado pa ang takip at inabot iyon sa kanya. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” Sumunod siya kay Vicencio na naupo sa pahabang bangkong gawa sa hindi kalawanging bakal. Naupo din siya katabi nito at dinala sa labi ang ibinigay nito sa kanyang inumin. “Kumusta ka na?” tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya. Huminga siya nang malalim. “Hindi ko alam kung tama bang sabihing miserable ako ngayon.” She laughed a little, without humor. “I’m sorry.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD