CHAPTER 25

1479 Words

Hindi maalis ni Perlas ang pagkakatingin sa mga mata ni Zeki. Ito ang taong may pinakamagandang pares ng mga mata, kung siya ang tatanungin. His eyes were urging, persuading you to tell him the truth. Matiim at nang-aarok. Gusto niyang sabihin dito ang kalagayan niya kahit na hindi pa siya natitignan ng doktor. Pero paano kung hindi naman magbago ang desisyon nito tungkol sa pagkuha ng buong kustodiya ng batang dinadala niya? Paano kung hindi na siya makalapit dito kapag nalaman na nitong nakabuo na sila at hihintayin na lang nito ang araw ng panganganak niya para makuha ang sanggol? Sa kabilang banda, habang hindi pa nito sigurado kung nakabuo na nga sila ay patuloy itong sisiping sa kanya. Ibig sabihin niyon ay may panahon pa siyang baguhin ang kapasyahan nito. “Perlas?” pukaw ni Zek

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD