THE MAN WHO LOVES ME....... Azzer's POV.. Ilang araw na kaming puyat kababantay sa sinasabing Serial killer ng Mondejar University. Pero wala kaming makitang kahit ano na pwedeng tumugma sa salarin. Binantayan na namin ang boy's locker, boy's rest room at boy's dormitory dahil ang expected namin ay mga lalaki ang pakay ng killer. Hindi pwedeng di namin makita at mahuli kung sino man ang killer na yun. Sisirain nya ang reputasyon ng school.dagdag pa yun sa kainitan ng ulo ni Jarred. Nakarinig ako ng black knight whistle.. Nakita kong sumenyas si Angelo. Kaya tumalon ako sa kinaroroonan nya sa kabilang bubong ng campus building. "Ano yun? " mahina kong tanong. "May mga pulis na dumating sa MU" sabi nya at itinuro ang harapan ng school kung san may isang patrol car na nakatigil.

