WHERE IS ELLAINA? Ayesha's POV... Hindi parin ako makapaniwala na sasaktan ako ni Jarred dahil sa ginawa ko sa babaeng yon. Di lang katawan ko ang masakit kundi pati ang puso ko. Lalong tumindi ang galit ko para kay Nikki. Nagmamadali akong umakyat ng kwarto ko sa mansyon namin. Umuwi ako dahil malapit lang yon sa MU. Gusto kong pakawalan ang galit ko sa silid ko. pagdating ko ay agad akong nagkulong at ipinaghahagis ang bawat mahawakan ng kamay.. Nanginginig ako sa galit. Bakit? Bakit hindi ako makapasok sa puso ni Jarred? Maging kay Noah ay balewala ako.. Dahil lang sa Nikki na yon? Anong meron sya na wala ako? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Marahas kong pinahid ang luha. Saka binuksan ang jewelry box ko at kinuha ang bracelet na pagaari ni Nikki. Ibinigay sakin

