BLACK KNIGHT AND HUNTING EAGLES....
Nicole's POV...
" Im sorry Ms. Perez sa nangyari sa unang araw mo dito sa Mondejar . Wala akong magawa para disiplinahin sila. Dumating ako dito 5 years ago na ganito na ang sistema ng paaralan. May kanya-kanya silang g**g at madalas nagbabanggaan sila. Ilang ulit nang may nagreklamo dito dahil sa pangbubully, ginagawan naman namin ng action pero talagang matitigas ang ulo ng mga estudyante dito palibhasa mga lumaking may gintong kutsara ang bibig.."
Yun ang sinabi sakin ni Dean brenda Ordiz nang ikwento ko sa kaniya ang nangyari sakin kanina. Maging ang Dean ay walang magawa sa mga bully at gangster dito.
"Don't worry bukas ipapatawag ko ang grupo nila Dino at pagsasabihan"
" salamat po Dean "
" ihahatid kita sa magiging room mo, apat ang nagse-share sa isang room. May dalawa kang kasama don ,alam mo na siguro ang mga rules dito sa school. "
" opo Dean" nabasa kona yon kanina.
" kung ganon ay malinaw sayo ang lahat"
"Yes dean "
" let's go"
May kalayuan din kung lalakarin ang dorm kaya sumakay pa kami sa kotse ni Dean .
Dalawang building yon na medyo mababa sa pinakang campus ng MU. Magkahiwalay ang dorm ng mga lalaki at babae.MU girls Dormitory ang nakasulat sa harapan ng building. May mangilan ngilang estudyante ang nakita namin sa hallway .nakatingin sila sakin na parang sinisino ako.
Maya-maya pa ay pumasok kami sa isang silid na parang opisina.
Nakita ko ang isang ginang na naroon. Agad bumati ang babae kay Dean. Kung titingnan ay halos nsa 45 anyos ito. Di nalalayo ang eded nila ni Dean.
" Ms. Perez this is Lolita, ang namamahala sa girls dorm. Sa boys dorm naman ay si Damian. Sya ang maghahatid sayo sa magiging room mo. Kung may problema ay sa kanya ka lang magsabi"
" hi po" bati ko kay Ms. Lolita, tipid na ngumiti lang ito.
Ilang sandali pa ay kami nalang ni Ms. Lolita ang naglalakad sa hallway papunta sa room ko.nang may makasalubong kami na isang medyo matandang babae na tila tagapaglinis batay sa dala nitong balde at map. Medyo naiilang ako sa tingin na ibinigay sakin ng matanda.
" Sya si aling Meding, tagapaglinis ng buong dorm. Matagal na sya dito halos dito na sya tumanda! " pakilala ni Ms. Lolita sa matanda.Tila naman wala itong pakialam samin habang nagma-map. Pasulyap -sulyap lang ito.
" dito na ang room mo Ms. Perez, siguro naman sa nangyari sayo alam mona maraming bully dito. Hanggang 10 lang ng gabi ang curfew ng dorm. Dapat nandito kana bago mag 10 pm kung hindi ay mapapagsarhan ka. "
" naiintindihan kopo! "
"Ayoko sanang takutin ka pero kalat na sa buong school na iniligtas ka daw ni king shadow mula sa grupo nila dino. "
" ah opo, kilala nyo rin pala sya. "
"Isang himala na nagpakita sya sayo dahil madalang lang sya lumabas sa dilim, magiingat ka sana mula ngayon. Marami kapang hindi alam sa school na to"
" ano pong ibig nyong sabihin? " naguguluhang tanong ko. "
" malalaman mo rin yon pag nagtagal kana dito. Sa ngayon kailangan monang magpahinga. Malayo ang pinanggalingan mo"
" ah okey po salamat"
" maiwan na kita. "
Tumango lang ako kay Ms. Lolita. Nang maka alis na sya ay nilapitan ako ng tagapaglinis na si aling Meding.
" hindi kana dapat nagpunta dito! " nangunot ako noo ko sa sinabi ng matanda
" ho? " medyo naguluhan ako sa sinabi nya.
" Magugulo lang ang mga bagay na nasa ayos na, "
" hindi kopo kayo---"
" ikaw ang pagsisimulan ng malaking hidwaan na mauuwi sa isang bangungot, " nakakapangilabot ang tinig ni aling Meding. Siryosong -siryoso sya habang sinasabi yon.
" nababasa ko sayong mukha na g**o lang ang dala mo sa school na to, "
" ano po ba ang sinasabi nyo? " medyo naiirita na ako sa sinasabi nya.
" isang malaking pagkakamali ang pagpunta mo dito" umiiling -iling pa ito habang papalayo sakin.
Naiwan tuloy akong tulala sa hallway na yun at pinipilit isipin ang laman ng kanyang sinabi.
Ilang minuto din akong nawindang pero nagpasya akong wag nalang pansinin ang sinabi ni aling Meding. Baka dala lang ng katandaan nya kaya kung ano -ano nang sinasabi.
Pumasok na ako sa silid gamit ang susi na binigay sakin ni Dean.
Malawak ang room na binigay sakin .may dalawang room sa silid na yon at bawat isa ay may dalawang kama.magisa palang ako sa isang kwarto base sa nakita kong gamit ko lng ang naroon. may cr at study table.may terrace din sa may bintana.wala pa ang mga ka room mate ko kaya malaya kong nausisa ang kabuuan ng silid.pangmayaman ang lahat ng gamit na naroroon.malinis naman yon at nasa ayos ang mga gamit.buti naman at mukhang maaayos sa bahay ang mga kasama ko.sabi ni Dean tatlo palang kami sa room. Ibig sabihin may space pa para sa darating na new student.
Habang hinihintay ko ang mga kasama sa silid ay naisip kong magpalit muna ng damit. Naalala kong naka nurse uniform pa nga pala ako. Naalala ko tuloy ang dalawang gwapong lalaki sa clinic kanina.
Nang magayos na ako ng gamit ay napansin kong nawawala sa kamay ko ang bracelet na suot ko
Tskkk....
Travis POV....
Hindi ko parin matanggap na dahil lang sa suntok ng gagong si Azzer sa mukha ko ay kailangan kong matahi. Buong buhay ko never pa akong natahian ng sugat dahil inaalagaan ko ang kutis ko lalo na ang gwapo kong mukha. Kaya nga iniiwasan ko ang makipagbasag ulo na sya namang hilig ng mga kaibigan ko lalo na si Seb. Pero dahil sa isang babae na naka one night stand ko kagabi ay nasuntok ako ng wala sa oras. Bakit kase di ko nalaman na taken na pala ang Bea na yon.
Di maari to, kailangan me managot sa nangyari sakin.
" San ka pupunta? "
Tanong ni Seb sakin ng magsuot ako ng sapatos. Nasa kwarto kase kami .dina kami pumasok sa klase dahil sa nangyari. Mamaya ay babalik pa ako sa clinic para tahiin ang sugat ko. Badtrip talaga.!
" kailangan kong gumanti sa Azzer na yun, dahil sa kanya magkakamantsa ang mukha ko. "
" so gaganti ka, pano kung mas madagdagan yan "
" kaya sumama ka, " sabi ko
" ano? "
" sumama ka para ikaw ang bumugbog sa kanya! "
" bakit naman ako sasali sa g**o nyong dalawa? Kayo nalang no! " tanggi ni Seb.
" para ano pa at naging g**g leader ka kung di mo kayang patumbahin ang Azzer na yon! "Tumayo na ako matapos isuot ang nike kong sapatos. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Gwapo pa rin naman ako kahit kita ang gasgas sa gilid ng labi ko.
" mas mabuti pa kung ipahinga mo nalang yan, kesa maghamon ka ng away. "
" kailangan kong gumanti sa gagong yon.. "
Naging seryoso na ang mukha ko. Lumabas ako at tinahak ang lugar kung nasaan si Azzer. Ang tambayan ng grupo ng mga Black knight. Sa roof top ng campus. Ang tinatawag na f*******n floor dahil tanging grupo lang nila ang pwedeng pumunta don.
Maraming g**g group sa Mondejar university at isa sa pinaka sikat ay ang grupo namin na Hunting Eagles at grupo nila Azzer na pinamumunuan ng kababata kong si Jarred, may labing lima silang member. Ang black knight. Grupo lang namin ang di naglalaban dahil magkakaibigan kami non paman. Well maliban kay Jarred na kababata ko, di ko masabi kung friend din nmin sya ni Seb kase never naman syang nakipag bonding samin. Pero isa lang ang sigurado ako, di kami magkaaway di rin kami magkaibigan. kaya walang bumabangga samin dahil magkasanib pwersa kaming lahat. Isa pa nasa black knight at hunting eagles ang pinakamagagaling sa pakikipaglaban, si Seb, Azzer at Jarred. Ako? Medyo lang. Di ko kase hilig yon dahil ayokong nasusugatan.
Yun nangyari saming away ni Azzer. Parte lang yon ng samahan namin. Madalas talaga kaming magkabangga dahil sa babae. Kung masyadong reserved sila Jarred at Seb. Kami naman ni Azzer ang playboy ng school. Basta maganda at sexy pwede na. Yun nga lang di ko alam na siryoso pala ang Azzer na yon kay Bea. Nahuli nya kami sa kwarto kaya nasuntok ako ng biglaan.
Alam kong mali ako pero diko matanggap ang kapalit ng kamalian kong yun.. Imagine tatahiin lang naman ang makinis kong mukha na ni hindi nalalapatan ng kahit lamok.
Lalong umusok ang galit ko kay Azzer. Binilisan ko ang mga hakbang papunta sa roof top.
At tama ang hula ko. Andon sya at prenteng naglalaro sa cp nya.
Mabilis ko syang nilapitan at isang suntok ang binigay ko na ikinataob nya sa bangko. Agad na umawat ang mga naroroong ka member nila.
"What the f**k? ". Nabiglang sabi ni Azzer. Dumura pa ito bago ako hinarap.
" f**k you, look at my face? " mas galit kong sabi sabay turo ng mukha ko.
" oh eh anong meron dyan? Kulang pa nga yan eh. "
" what? "
Sa pinto ay mabilis na sumulpot si Seb. Kasunod ko pala sya. Agad nya akong inawat.
" tama na Travis" sabi ni Seb. Pero di ko sya pinansin.
" umalis na kayo dito Seb bago pa magdilim ang paningin ko sa lalaking yan. "
Galit na utos ng hambog na si Azzer.
" di ko kasalanan na mas gwapo ako kesa sayo , na pinatulan ako ng Bea mo kahit seryoso kana sa kanya. Maybe you're not good enough in bed kaya bumaling sya saki----". Naramdaman ko nalang ang malakas na suntok nya sakin na halos magpa tumba sakin.
"s**t, dumudugo na ang ilong mo " si Seb. Umawat naman ang mga naroon.
" traydor, bagay lang sayo yan. " sigaw ni Azzer. Susugod pa sana ako sa kanya pero isang tikhim mula sa likod ang nagpatigil samin.
" Jarred! " bulalas ni la Seb.
" anong kaguluhan to? " seryosong tanong ng bagong dating. Ang leader nila. " bakit may mga Hunting Eagle dito? "
medyo kinabahan ako dahil galit ang tinig ni Jarred. Kilala kase namin sya na maikli ang pasensya at kung sya ang susuntok sakin baka madagdagan ang tahiin sa mukha ko.
" i-inaawat ko lang si Travis, sumugod kase kay Azzer eh" paliwanag ni Seb. Gusto kong batukan ang katabi. Naturingang leader ng grupo pero nanginginig ang boses na parang kinakabahan.
" ano na naman to Azzerdon? " si Azzer naman ang binalingan ng lalaki.
" nanuntok nalang bigla e, "
" dahil sinuntok mo rin ako kanina "
" kung di mo sinulot si Bea walang g**o ngayon! "
" pero dahil sayo kailangan tahiin ang mukha ko, nAiintindihan mo ba? " i shout.
" ano? Tahiin? Alin ang tatahiin? " tanong pa ni Azzer.
" this, at dahil yon sayo! " tinuro ko ang sugat. Nang maituro ko yun ay humagalpak ng tawa si Azzer maging ang mga kagrupo nito. Tanging si Jarred at Seb lang ang medyo seryoso. Lalo tuloy akong naasar.
" sinong lolokohin mo. Hoy malayo yan sa bituka. Wag kang oa! " ani Azzer.
" pero yun ang sabi ng nurse kanina. "Diin ko sa kanila.
" kalokohan! "
" totoo ba yun Seb? " tanong ni Jarred kay Seb.
" oo totoo. Mamaya nga sya pinapabalik ng nurse para tahiin ang sugat nya.! "
"Sinong nurse? Si Ms. Abby? " tanong pa ni Jarred.
" hindi namin kilala. Mukang bago eh. "
"Mabuti pa samahan namin kayo sa clinic para alamin ang totoong lagay ni Travis, " sabi pa ni Jarred.
Galit man ay napilitan akong sumama. Kahit kinakabahan ako .kaming apat ang nagpunta sa clinic .
Seb POV...
Nang makarating kami sa clinic ay tamang tama namang naroon na si Nurse abby. Hinanap ng mga mata ko kung nasaan ang nurse na tumingin kay Travis kanina. Pero solo lang sya don.
" Mr. Evañez, mr. Cabrera, Mr. Alarcon at Mr Villegas . Ano pong maipaglilingkod ko. " bati ni Ms. Abby sa ming apat.
" asan yung nurse na tumingin sa sugat ko kanina? " Travis asked.
" ho? Pero ako lang po ang nurse na dayshift dito at si Mildred naman ang naka schedule mamayang gabi. "Sabi ng babae.
" no. Not Mildred, yun naritong nurse kanina ang hinahanap ko. The slender one na maganda na may mahabang buhok na kulay itim!mga 5'5 ang taas" sabi ko.
" maganda? Maganda na ba yun sayo eh ang pangit pangit non. " iritang sabi naman ni Travis. Nagkibit balikat lang ako. Totoo namang maganda yung nakita naming babae kanina. Di lang siguro matanggap ng kaibigan ko dahil sa bangayan nila kanina.
Nakita kong naguguluhan si Ms abby kaya ako na nag nagpaliwanag sa kanya. Si Jarred at Azzer naman ay nakikinig lang.
" ah, baka si Ms. Perez yon."
" oh baka nga yon.asan na sya? Sino bang tatahi sa sugat ko ," si Travis.
Bakit pakiramdam ko bukod sa sugat nya at nais talaga nyang makita ang Ms. Perez na yon.?tulak ng bibig kabig ng dibdib yata ang isang to ah.
" sorry pero hindi sya nurse.new student sya dito at pinahiram ko sya ng uniform dahil nabully sya kanina nila Dino,at sa nakikita ko ay okey lang naman ang sugat mo ,no need nang tahiin"
" what?" Reaksyon ni Travis.
Mukang napaglaruan ang kaibigan ko ah.nang bigla ay may maalala ako.
sorry pero hindi ak---"
" pwede bang wag ka ng dumada pa dyan at mang gamot ka nalang"
" pero nagkakamali ka, hindi ako---"
" stop talking, "
" okey, higa ka muna at itse-check ko sugat mo! "
Yun ang naalala kong convo.
"Sinong babae? " sa wakas ay nagsalita si Jarred.
" si Nicole Perez. Yun scholar ng school, "
" scholar? " reaksyon naman ni Azzer.
Maging ako ay nagulat sa nalaman. Ang alam ko kase ay di nagbibigay ng scholarship ang MU. Ano na naman kayang naisip ni Master Jarred.
Nang tingnan ko si Jarred ay nakita ko ang malalim na tingin nito kay Travis. Diko mabasa ang iniisip nito matapos marinig ang pangalan ng babae.
" that b***h,anong karapatan nya para lokohin ako, humanda sya sakin! " sabi ni Travis.
" ang sabihin mo kase takot ka lang sa dugo !" Buska pa ni Azzer kay Travis. Di ko na binigyan ng atensyon ang pagaaway ng dalawa dahil busy ako sa pagmamasid sa kilos ni Jarred. Theres something sa pananahimik nito. Kakaiba ang kinikilos ng kaibigan. May kinalaman kaya don ang new student na yon.pero ang alam ko di pa naman sila personal na magkakilala.
Nicole's POV
Alas sais nang dumating ang dalawa kong ka dorm mate. Sila Ayesha Mae Alarcon at Katrina Nuevo o Trina. Maganda ang dalawa lalo na si Ayesha at mababait din. Agad ko silang nakapalagayan ng loob. Black beauty si Ayesha at mas matangkad sakin. Pang model ang katawan nito at bagay na bagay sa height nito ang balingkinitang katawan. Si Trinan naman ay maputi na medyo chubby. May dimples ito sa kaliwang pisngi na dumagdag sa cuteness ng bilugan nyang mukha. Pareho kaming new student Kapwa mga anak mayayaman ang dalawa. Natuwa ako dahil HRM din ang kurso ni Trina. At halos pareho kami ng schedule ng klase.
" mula ngayon ay friend na tayo ha. " sabi ni Trina. Ang bait talaga ng dalawa. Naalala ko tuloy si Imarie sa kanya. Miss kona agad ang bff ko.
" about sa kinukuwento mo? Nakita mo si King shadow at iniligtas ka nya? " di makapaniwalang tanong ni Ayesha.
"Oo. Kilala nyo rin ba sya.?"
" kilala sya ng lahat ng tao dito pero di ko pa sya nakikita dahil new student din ako " sabi ni TrinA. Pareho nga pala kaming freshman. Si Ayesha naman ay 2nd year na sa kursong tourism.
" ikaw Ayesha? " baling ko kay Ayesha.
" once ko lang sya nakita. Pero naka all black sya at gabi non. May pool party sa school at naroon sya "
" anong ginawa nya? "
"Ano pa nga ba e di nanggulo, nahuli kase syang nagnanakaw ng pera ng school .hinabol sya ng mga pulis pero di sya nahuli! "
" totoo ba yun? Magnanakaw si King shadow? " di makapaniwalang tanong ko.
" yup at kalat na kalat din dito na may pinatay na rin syang estudyante ng MU. "
" totoo ba yun? " takot na tanong ni Trina. Napansin kong matatakutin ang bagong kaibigan.
" i dont know kung sya talaga ang pumatay. Pero yun ang balita sa buong campus, kaya kinatatakutan sya ng lahat dito. Yun din ang dahilan kaya nagsasanay sa pakikipaglaban ang mga gangster ng school para mahuli sya dahil kahit pulis di mapantayan ang galing nya sa pakikipaglaban lalo na ang paggamit ng palaso! " kwento pa ni Ayesha.
" anong ibig mong sabihin ? Nagsasanay sa pakikipaglaban? " i asked.
" narinig ko kase minsan si Chairman, yun me ari ng school nato na kausap si Kuya Seb. Sinabi nya na magaral daw mabuti sila kuya sa pakikipaglaban para mahuli na si King shadow at matapos na nag panggugulo nito sa school! "
" nakaktakot naman pala dito! " reaksyon ni Trina.
" ayoko sanang matakot kayo pero di basta bastang school ang MU. Maraming g**o dito at naranasan mona yon kanina diba Nikki? ".
Tumango lang ako.
" kaya kung ako sa inyo magaaral ako ng self defense para maprotektahan ang sarili. "
" you mean marunong kaba? "
" hindi ,pero walang gagalaw sakin dahil pinsan ko si Seb, ang leader ng Hunting Eagle. Ang isa sa pinakasikat na g**g group sa MU. "
Seb? Parang narinig ko na ang name na yun. Ah tama. Seb ang pangalan ng kasama ng lalaking mayabang na Travis ang pangalan.
Bukod don ay naiisip ko din ang tungkol kay king shadow. Taliwas kase sa kwento nila ang nakilala ko kanina sa gubat. Malayong -malayo sa magnanakaw na king shadow na kilala nila. Pero di ako dapat basta magtiwala. Di ko pa gamay ang school na to. Bigla kong naalala si Noah. Siguro saka ko na sya hahanapin pag naayos ko na lahat sa school. Umaaasa ako na makakasalubong ko sya dito. Kahit di rin ganon ka posible yun dahil sa lawak ng MU at magkaiba pa kami ng course.
***