CHAPTER 1

1872 Words
ENTRANCE EXAM... Nicole's POV.... " Anak gising" Napabalikwas ako sa malakas na pagyugyog ni mama sa balikat ko. Pawis na pawis ang buo kong katawan at habol ko ang aking paghinga . " binabangungot ka na naman ba? " tanong ni mama , nanlalambot na tumango ako. Pinunasan nya ang pawis sa noo ko habang tahimik lang ako at di malaman kung paano sasabihin sa kanya ang panaginip ko kanina. Mula ng magkaisip ako ay madalas na akong managinip ng masama at madalas ay nauuwi sa bangungot kagaya kanina. Ngunit kung noon ay putol -putol at di malinaw, Ang panaginip ko kanina at buo at parang totoong totoo na nangyari sakin. Sa panaginip ay di ako nagiisa, may kasama ako at sa panaginip ay kilala ko sya. Hinahabol kami ng kung sino kaya tumakbo kami sa masukal na gubat hanggang mapadpad kami sa kweba. " sigurado kaba anak? Kung may kasama ka sa panaginip mo baka totoo na me nagligtas sayo noon! " Sabi ni mama Anita matapos marinig ang kwento ko. Tila sasakit ang ulo ko sa pagiisip kung ano ang karugtong ng panaginip na yon. Pasalamat nalang ako at di na ako masyadong nag-i-sleep walk twing gabi. Nawala yun mula ng magpakonsulta ako sa doctor. Payo ni mama Anita yun para mabilis kong maalala ang past ko. " Ma, sa tingin mo ba yun mga panaginip ko may kinalaman sa nakaraan ko?" Tanong ko sa kanya " malaki ang posibilidad anak na kaya mo yun napapanaginipan ay dahil totoong nangyari sayo, " Wala kasi kaming alam sa tunay kong pagkatao, i was 9 or 10 years old ng matagpuan ni Papa Anton non sa tabing kalsada. Duguan at halos wala na daw akong buhay ng makita nya. Agad nya akong dinala sa ospital at ng magkamalay ay wala na akong maalala dahil daw sa trauma. ang tanging pagkakakilanlan lang sakin ay ang bracelet na may nakaukit na initial at birthday ko at pendant na susi. Dahil wala pa silang anak non ni mama Anita ay kinupkop nila ako at tinuring na anak. Two years na ako sa kanila ng magbuntis si mama Anita at nagkaroon nga ako ng kapatid na 8 years old na ngayon. Si Joshua. " pero sa panaginip ko may kasama akong batang lalaki, malakas ang kutob kong naganap yon bago ako matagpuan ni Papa, pero bakit ako lang ang nakita ni papa non? " " di ko din alam anak ang sagot sa tanong mo, " malungkot akong niyakap ni Mama, yumakap din ako sa kanya. Napakabait nila sakin lalo na si Mama. Diko naramdamang iba ako sa kanila dahil itinuring nila ako na parang isang tunay na anak. Kaya kahit may kulang sa pagkatao ko ay lumaki akong masayahin. "Nikki anak , wag mong kaisipin ang panaginip na yon. Darating din ang araw na makakaalala ka, basta nandito lang kami para sayo anak! " " salamat ma, sa pangunawa at suporta" " basta para sayo anak" Niyakap ko ulit si mama, napakaswerte ko talaga sa pamilyang ito. " Ma, wag mo nang sabihin kay papa ang tungkol sa panaginip ko ha, baka magalala lang yon! " paalala ko sa kanya .tumango naman si Mama Anita. " basta regular kang magpakonsulta kay Dra. Wena. " " yes ma, i need to tell her about this! " Kinaumagahan ay parang walang nangyari .masigla pa rin akong gumising at masayang sumalo sa umagahan ng pamilya. Pagbaba ko ay si yaya Mameng ang nagaasikaso kay papa Anton. Maaga sigurong pumasok sa kompanya si mama. 5 years ago nang ma stroke si papa ,inatake to dahil sa isang nilalang na di pa namin malaman kung sino, kaya nasa wheelchair nalang sya. Hirap parin itong magsalita at di na makalakad. Di kasi sapat ang pera namin para maipagamot sya sa ibang bansa. kay mama naiwan ang responsibilidad ni papa sa maliit naming kompanya na pinagkukunan ng aming pangaraw araw na pangangailangan. Ilang bwan nalang at graduate na ako ng secondary kaya nagiisip ako kung sasabihin koba kay mama ang school na gusto kong pasukan sa kolehiyo. Baka kase di nya kayanin ang entrance fee sa school na yon. "Ate, totoo ba na di kana dito titira pag college kana? " Napatingin ako sa kapatid kong si Joshua. " ahmmp siguro, kasi malayo na ang school eh" sabi ko. " gaano kalayo? " "Basta malayo " " eh bakit di nalang sa san miguel college ka magaral para malapit lang! " ang tinutukoy niya ay ang nagiisang college school sa bayan namin. Pero iilan lang ang course na available don at napakadaming estudyante. Di ko bet sa SMC. isa pa wala don si Noah. Kinilig ako sa naisip. " ayoko don, may ibang school akong gusto" " sabagay mas okey na malayo ka para wala na akong kaagaw sa chocolate " sabi nito. "Ah ganon, " nilapitan ko sya at kiniliti. Close talaga kaming magkapatid kahit malaki ang agwat ng age namin. Excited akong pumasok sa school, ilang linggo nalang ay graduation na namin. Kaya wala na halos ginagawa ang mga ga-graduate kundi magkompleto ng mga requirements . nagkakaingay sa classroom pagpasok ko. Kung ano ano ang topic. Pinaka topic ay ang university na papasukan nila. Nakita ko agad ang bff kong si Imarie. Kasama ng tropa. " Niki, dali halika, " may excitement sa tinig nito. Agad ko silang nilapitan. " anong meron ?" Tanong ko. " may good news kaming nalaman, tiyak matutuwa ka." sabi ni Imarie. Si Imarie ang pinaka malapit kong kaibigan. "Ano naman yon? " "Kase kalat na sa buong school na magpapa exam ang Mondejar University sa school natin at ang makapasa ay magkakaroon ng full scholarship. " tumitiling sabi ni Imarie. Mondejar University? My dream school. Totoo ba.? Ang MU ang pinapangarap kong marating hindi dahil sa pangmayaman at prestilyoso ito kundi dahil naroon si Noah, my first love. Kababata ko sya at non pa man ay may crush na ako sa kanya pero di ko masabi-sabi dahil magkaibigan kami. Bestfriend pa nga kaya ganon nalang ang panghihinayang ko ng mag-college na sya at magaral sa MU ay di nya nalaman ang feelings ko. 2 years ko na syang di nakikita. Sabi ng Mommy nya ay sa MU ito nagaaral. Last year lumipat na sa malayo ang family nito kaya lalo akong nalungkot dahil wala ng paraan na makita sya. Ang makapasok sa MU ang tanging paraan para makita ko si Noah. Gumagawa na ng way si tadhana para satin Noah my love. Kinikilig na nasabi ko sa sarili. Basta si Noah ang topic ay nawawala na ako sa katinuan. " hala sya, ang aga ng day dreaming mo hoy! " hinampas ako ng notebook sa braso ni Imarie. Kaya nagbalik ako sa reyalidad. "Ano ba, ang sakit ha, " " yun utak mo nasa MU na agad. FYI Ms. Nicole Perez. Exam palang yon. Sure kaba na me papasa satin? E alam mo naman na matatalino lang ang nakakapasok don. Kung di matalino, anak mayayaman ang naroon. E sa talino palang tagilid na tayo e. Lalo na sa yaman. " " kailangan kong makapasa ,kailangan kong makapagaral don" " asus, para makasama si Noah, oh ano? " tukso ni Mildred. Kaklase din namin. " hmmmp. Yes. Pero bukod don gusto ko rin talaga makapagaral don .sayang ang opportunity no" " nagtataka lang ako". Sabi ni Nancy. "Bakit? " " eh kase ang alam ko sobrang as in wow ang school na yon. First time silang magbibigay ng scholarship at dito pa sa school natin. As in hello? Ang layo ng san Miguel sa MU no! " " oo nga no, may point ka din" si imarie. " bakit paba natin iisipin yon. Ang importante binigyan tayo ng chance ng MU kaya kailangan na nating mag-review. " sabi ko. "Tama.... " Sa isip ko ay determinado akong makapasa. Di man ako katalinuhan pero di naman ako bobo. Nagaral akong mabuti para di nakakahiya kay mama at papa. Nang dumating ang teacher namin ay in-announce na nga nya ang tungkol sa scholarship. Lalong nagkagulo ang buong klase. Next monday daw ang exam kaya mag-prepared daw kami... Masayang-masaya akong umuwi ng araw na yon at agad ibinalita kay mama at papa ang tungkol sa MU at scholarship. "Sure kaba nak na don mo gustong magaral. Napakalayo non dito sa San Miguel. " Tanong ni Mama Anita. " yes ma, may sarili naman daw yung dormitoryo para sa mga estudyante eh. Sobrang ganda daw don ma. " " pero malalayo ka samin. " "Okey lang yon ma. Tatawag nalang ako sa inyo ng madalas. Saka pag bakasyon uuwi din naman ako... " "bueno ganyang gusto mo talaga e di sige payag na akong magexam ka. "Salamat Ma, " napayakap ako kay mama sa tuwa. Samantalang si papa ay nagpipilit magsalita kahit pabulol-bulol. Twing makikita ko syang ganoon ay lalong nadaragdagan ang galit ko sa taong naging sanhi ng pagkakaganyan nya. Magaaral akong mabuti at pagkatapos non ay hahanapin ko ang taong gumawa non sa kanya. " shjmmkxmvnvdmxdngnvnvv... " " papa kahit di kita maintindihan .alam kong masaya ka para sakin. Sana makapasa ako. " " diba don nagaaral si kuya Noah? ". Biglang singit ng pasaway na si Joshua. "Shhhhh.. " siko ko sa kanya. Buti nalang at di narinig nila Mama. " susundan mo sya no? Bakit ate manliligaw kana ba sa kanya? " mahinang tanong pa nya. "Ano bang pinagsasabi mong bata ka. Anong manliligaw? Ikaw talaga" " namumula ka eh" " tumigil kana Josh hah, marinig ka ni mama. " nang tumingin ako sa gawi nila mama ay nakita kong busy na sya pagpapakain kay papa. "Totoo naman kaya" "Shhh. Sige asarin mo pa ako sasabihin ko kay mama na kumakain ka ng chocolate sa hating gabi. " Natahimik ang kapatid ko dahil sa banta ko. Nahuli ko kasi sya na nakain ng chocolate tuwing tulog na sila mama. Eh bawal sa kanya ang chocolate dahil hinihika ito sa matatamis. DUMATING ang araw ng exam. Kinakabahan ako habang ipinapasa ang answered sheet na may 1000 questioner lang naman. Ano bang school yon at daig pa ang bar exam?. sobrang hirap ng mga tanong. Parang dina pang highschool. At 1000 pa? Inabot na kami ng buong araw sa pagsagot. Wish ko lang makapasa ako. Pero malabo eh. Kahit multiple choice ang karamihan don ,tagilid parin ako. Goodbye Noah naba ako? Kapag di ako nakapasa sa MU. Paano na? "Parang nilugaw ang utak ko don, ikaw ba? " tanong sakin ni Imarie. Nakatambay na kaming dalawa sa bench. Hinihintay lang naming matapos sa exam ang iba naming classmate. " sana makapasa tayo" nasabi ko nalang. " sana nga,lalo kana, " Napabuntong hininga nalang ako. " Nikki anong gagawin mo pag nakapasok kana sa MU at makita mo si Noah, anong sasabihin mo sa kanya. " mayamaya ay tanong ni Imarie. " sasabihin ko sa kanya ang feelings ko. " buo ang loob na sagot ko. " na crush mo sya matagal na? " " oo, na mahal ko sya, " "Sure kana ba na love yan? Pano kung crush lang" " yon ang aalamin ko pag nagkita kami, alam mo naman na si Noah lang ang nagustuhan ko dito eh. " " paano kung me gf na pala sya don? Maraming babae don e magaganda" " maganda din naman ako ah.. " " paano nga? " " siguro pag ganon. Wala na akong magagawa. Magaaral nalang akong mabuti don" "Hayssss... Goodluck nalang satin" ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD